[Grace Celestine's POV]
"Ate naman hbbb"tawa ako ng tawa sa reaction nilang dalawa habang kumakain ng saging sina George at Hance, tuwang tuwa ako sa kanila, pinakain ko kasi silang dalawa ng saging na sinawsaw sa suka na may halong mayonnaise at ketchup, tamimik na kumakain si Hance at halatang masusuka na alam kung tiniis niya lang habang si George naman ay sukang suka na.
"Ate ayoko nang kumain niyan ahkk kakadiri nakakatakot pala ng mga buntis ang weweird kung di lang kita ate nako kanina pa kita nilayasan dito"mas lalo akong napangiti sa reklamo ni George.
"Kumain kapa George masarap kaya tingnan mo si Hance oh sarap na sarap siya"tuwang sabi ko kahit na masuka-suka na si Hance, salubong ang kilay niyang napatingin sa akin na kinatuwa ko.
"Masanay kana sa ate mo George tatlong buwan pa siyang ganyan, masanay na tayo sa mga buntis minsan maintindihan mo minsan hindi, tiis-tiis lang"nakasimangot na saad ni Hance habang kumakain pa na kinatuwa kupa, iwan ko ba sobrang saya ko nong kinain nila ang hinanda kung saging at napakasarap na sauce.
Kumuha ako ng hiniwang hilaw na mangga at sinawsaw sa sauce na gawa ni Hance kanina siya kasi ang inutusan ko maghalo sa sauce na gusto ko. Agad kung nilantakan ang mangga dahil masarap itong kainin.
"Ang sarap talaga nito, gumawa kapa mamayang gabi ny ha"nakangiti kung saad sa kanya, nakabusangot parin siya habang paunti-unting inubos ang saging na kanina pa niya kinakain, kaunti lang kasi ang kinakain niya, tinitipid daw kasi niya ang saging, nagtaka nga ako eh dahil marami namang saging na nakadisplay sa lamesa, hinayaan kunalang atleast kumain siya.^_________^
Napatingin ako kay George na dahang-dahang lalabas ng kusina ng makita ko, tinaas ko ang mangga na hawak ko, inaalok ko siya, agad siyang napangiwi at umiling-iling, para siyang natakot sa akin na kinataka ko.
"George gusto mo?"alok ko sa kanya habang nakangiti parin, agad siyang umiling-iling.
"A-ayoko na ate, segi sa magbabanyo muna ako, tatae muna ako masakit ang tyan ko, tama na ate nakakadiri yang pinapakain mo sa akin"pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na siyang tumakbo sa kwarto niya para daw tumae.
Napasimangot nalang ako sa kapatid ko, kanina pa kasi yun reklamo ng reklamo, samantalang ang sabi niya sa akin ay gagawin niya lahat ng gusto ko, ginawa naman niya yung gusto ko na kumain siya ng saging na ihalo sa sauce na gawa ni Hance pero reklamo siya ng reklamo hays ang labo ng kapatid kung yun, parang may sayad.
"Hayaan mo na siya ny, kanina mo pa pinagtitripan ang kapatid mo, ubusin mo nalang yang mga prutas, pagkatapos ay magbihis ka, diba sasama ka sa office ko?"napangiti ako ng malawak sa narinig, kahapon pa kasi ako nagpupumilit na sumama sa kanya sa office niya dahil nabobored na ako dito sa bahay niya, ayaw niya kasi akong payagan na lumabas kapag wala siya dahil baka raw may nangyari sa akin dahil maselan daw ang pagbubuntis ko, si George naman ay may training kaya hindi niya ako masasamahan kapag gusto kung lumabas o kaya dumalaw sa mga kapatid ko o kay tatay, napag-usapan kasi namin na sa kanya ako titira, ayoko sanang pumayag dahil nakakahiya sa kanya kaso nagpumilit siya isa pa concern daw siya sa magiging future ina-anak niya gusto niya daw kasing makatulong sa akin, ayoko sanang pumayag dahil hindi niya ako responsibilidad pero nagpupumilit parin siya kaya pumayag nalang ako kahit labag sa loob ko dahil para din ito sa kapakanan ng magiging anak ko, isa pa ulit hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil wala na akong trabaho, wala na din akong ipong pera dahil nagastos kuna sa mga tuition ng mga kapatid ko lalo na kay George dahil malapit na siyang grumadute. Tinanggap ko ang alok ni Hance kahit labag ito sa kalooban ko, gusto niya langa akong tumira sa bahay niya dahil gusto niya akong tulungan lalong lalo na sa situation ko ngayon, ayoko ko mang tanggapin pero wala akong magawa dahil kailangan ko naman talaga ang tulong niya, napag-usapan narin namin ito ni Hance.
BINABASA MO ANG
Wanted Wife
RomanceSi "Grace Celestine Miracle" 25 years old single and NBSB(No Boyfriend Since Break) ang sipag girl ng pamilya, ang panganay na anak, ang nag aalaga ng mga kapatid, ang babaeng walang pahinga, ang babaeng hindi sumusuko kaagad, ang babaeng palaging t...