Episode 7 "My mommy"

7.2K 242 31
                                    

{Grace Celestine POV}

"Segi po chef"sabi ko din na nakangiti at saka lumabas na ng restaurant, dito ako sa likod ng restaurant na ito, umexit.

Paglabas ko ay may lumapit sa akin kaagad mga dalawang lalaki naka itim pareho, and take note nakashades pa sila.

"Grace Celestine Miracle?"labis akong nagtaka dahil kilala nila ako.

"mga kuya bakit ho?"napamewang kung tanong sa dalawa.

"come with us"tipid na salita ni kuya itim #1.

"aba ano ako tanga? bakit naman ako sasama sa inyo ha? sinasayang niyo lang oras ko, may gagawin pa ako sa bahay, susunduin kupa mga kapatid sa paaralan, may ibebenta pa akong mga gulay at higit sa lahat magtetenda pa ako ng barbeque kaya ayokong sumama"deretso kung sabi sa kanila at naglakad na pero hinawakan nila ang magkabilang braso ko at habang ang isang na si kuya itim #2.

"Miss.A she did not want to come with us..."rinig kung salita ni kuya itim #1 na may hawak na cellphone at hindi kuna narinig yung ibang pinag-usapan ng Miss.A nayan.

Miss.A?

Parang familiar...

Hawak parin nila ako sa magkabilang braso, kunti nalang gugulpihin kuna sila, sayang ang oras ko.

"Yes Miss.A... nandito lang naman po sa malapit.... sa Jacca's Restaurant... sa sa likod ng building ng...yes sa kabila lang Miss.A malapit lang...Yes Miss we promise... masusunod po Miss.A..."tss sinasayang talaga nila ang oras ko.

Sinipa ko sila sa abot ng makakaya ko pero agad naman silang napailang at napigilan ako.

Ang lakas ng dalawang ugok nato.

Hinigpitan nila ang paghawak sa akin pero hindi naman ako nasaktan.

"Pasensya na pero kailangan mong sumama sa amin, naseseguro naming hindi ka namin sasaktan"salita naman ni kuya itim#2.

Nagpumiglas parin ako dahil ayoko sumama.

"Sabi ng ayokong sumama sa inyo, eh sinasayang niyo lang ang oras ko, bakit ba kailangan sumama sa inyo ha?"singhal ko sa dalawa.

"Utos ni Boss, miss...pasensya kana pero kailangan ka namin dalhin sa kanya"sagot ni kuya itim#2 at saka nila ako hinila at dahil malakas ang dalawang ugok nato ay natangay nila ako at sinakay sa maitim na magarang kotse.

Inis na inis ako gusto kung manuntok ngayon kaso di ko kaya ang dalawang to bukod sa malalaking tao, malakas pa sila.

"Tssk"inis kung sambit at saka nanahimik nalang, nandito ako sa backseat at si kuya itim#1 nagdrive, katabi naman nito si kuya itim#2 sa kotseng na ito.

Limang minuto lang ang lumipas ay nakarating kaagad kami, napatingin ako sa familiar na lugar, at ngayon lang ako nag ka idea kung sino ang may pakana nito.

"Bweset"mahina kung mura.

"Sabihin niyo sa akin kaagad mga gago, sino ang tinutukoy niyong Boss?"galit kung tanong sa kanila.

"Si Boss 'Glenn Jake Marten' miss"nakangiting sagot ni kuya itim#2.

"ayokong makausap ang mokong nayun lalabas na ako, wag niyo akong guluhin tatamaan kayo sa akin"galit kung sigaw at aakmang lalabas ng mabilis nila akong mapigilan.

"miss. pasensya na hindi ka pwdeng umalis, mawawalan kami ng trabaho para sa pamilya namin, please talk to my boss kahit sandali lang, dahil yun ang gusto niya, parang awa muna miss.Grace..."napahinga nalang ako ng malalim at napa pikit.

Seguro tama nalang din to para magkalinawan na, para tigilan na ko ng gagong yun, kahit naman papano ay nasaktan ako sa pag-ewan niya sa akin limang buwan na ang nakalipas, seguro panahon na para kausapin siya ng masinsinan, pero galit parin ako sa kanya.

Naiinis parin ako sa kanya kahit papaano ay minahal ko siya ng kunti, oo kunti lang, lahat naman ng naging karelasyon ko dati ay minahal ko kaso 20%lang na pagmamahal, di tulad ng first love ko 65%na pagmamahal ko sa kanya DATI.

"Oo na papayag na ako"napangiti si kuya itim#1 at kuya #2 sa akin pagkatapos ay lumabas na ako sa kotse at sinamahan nila ako papasok ng 5 star Marten's Hotel at sumakay kaagad ng elevator.

Hanggang sa 5th floor kami huminto nandito kasi ang office niya, huminto kami sa office ni Miss.Agatha 'Miss.A' for short, 30 years old, walang jowa, medyo tomboy pero babae ang dating at saka napakagandang tomboy siya, pero kinikilos babae dahil sa trabaho niya at siya ang secretary ni Glenn.

"Grace..." / "Alam kuna kung bakit ako nandito, okay lang ako di muna kailangan mangumusta Miss.A"agad kung sabi sa kanya at pinutol ang sasabihin niya.

"Hehe advance ka talaga mag isip Grace"sabi niya.

"Pumasok kanalang sa office niya gusto ka niyang maka-usap saka may..."di kuna pinakinggan si Miss.A dahil pumasok na ako kaagad sa office ni Glenn.

Pagpasok na pagpasok, isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin kaya gulat na gulat ako at hindi naka kilos.

"I miss you,damn miss you sungit"bulong nito sa akin habang nakayakap sa akin.

"Glenn"sambit ko.

"Patawarin moko sungit..."

"Seguro panahon na para patawarin ka Glenn, naintindihan kita kahit di ko alam ang dahilan, seguro tama lang yung ginawa mo"sabi ko, humiwalay siya sa pagyakap sa akin hinwakan ang magkabilang braso ko at tiningnan ako sa mata, ganun din ang ginawa ko.

"Pinatawad muna ako?"di makapaniwalang sambit niya, ngumiti lang ako sa kanya.

"Wala na segurong rason para magalit sayo Glenn"sabi ko.

"Salamat Sungit"niyakap niya ako ulit.

"I love you Grace..."pagkarinig ko sa mga salitang yun ay humilay ako sa pagyakap niya.

"Sorry Glenn---"napakunot ang noo niya.

"Mabilis nawala ang pagmamahal ko sayo, I'm sorry... may ipapakausap sana ako sayo, sana last natong pagkikita natin, mag fucos ka sa company mo..."

"N-no please give me a chance Grace please I beg you, please... I still love you Grace..."

"I'm sorry Glenn, hindi ko na kayang mahalin ka, kalimutan muna ako..."nakita ko ang sakit base sa mukha niya, nakita ko rin na may tumutulong luha mula sa mga mata niya....

"Mommy, mommy"agad akong napalingon sa familiar na boses at hindi nga ako nagkamali dahil kaharap kuna naman ang batang si Matt at ang ama nitong tahimik na nakatingin sa amin ni Glenn walang emotion ang mukha nito.

"Matt?"mahinang sambit ko, lumaki ang mata ni Matt at tuwang tuwa sa narinig, akala niya seguro ako ang mommy niya dahil tinawag ko siya sa pangalan niya, pero mali siya nakilala ko siya dahil narinig ko na tinatawag siya ng ama niya kaninang umaga doon sa groceries store.

Ayan na naman siya, mas lalo sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari nang araw nato.

Tumakbo na naman ito sa akin at saka niyakap na naman ako ng mahipgit.

Parang lumambot ang puso ko sa batang ito.

Lumuhod ako upang mapantayn ko ang yakap ng batang ito at niyakap ko ito pabalik.

Umiiyak ang bata na parang masaya.

"My mommy, finally you remember me, I really miss your hug and kiss mommy"sabi pa nito.

Sa akin.

"My mommy? Grace anong ibig sabihin nito? anak mo si Matt?"napatingin ako kay Glenn may sakit at may pagdudang tumingin ito sa akin at umiling iling pa siya.

Sasagot na sana ako ng may tumawag sa akin, kaya humiwalay si Matt sa pagkayakap niya sa akin nakangiti na siya ngayon.

Patuloy parin sa pag riring Ang cellphone ko, kinuha ko ito at saka sinagot.

"Hello Georgia?...."....

Nabitawan ko ang cellphone ko at saka nanghina sa balitang natanggap ko...

...

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon