Episode 2 "Mommy?"

9.9K 310 78
                                    

{Grace Celestine POV}

"miss bingi kaba? ang sabi dapa, di muba narinig hold up to"galit nitong sigaw sa likod ko.

Kaya inis akong lumingon dito at napa irap.

"Jerry bilisan mo ang pagkuha ng mga pera dali"utos nitong nasa harap ko.

Pangalwang beses kuna silang nakita sa isang groceries store din, kaso nasa malayo ako ng panahon nayon.

At sa pagkakataong ito ay nasa harap na ako ng tarantadong unggoy nato, dahil malapit lang ako sa counter.

Tumingin ako sa paligid medyo marami ang mga tao dito, nakadapa silang lahat pwera lang sa akin at sa dalawang tarantadong hold upper, yung isa patuloy ang pagkuha ng pera sa counter, itong isa naiinip na kakasigaw sa akin sa harap ko, nangangamoy talaga ang mabahong hininga ng tarantadong hold upper nato.

"ang sabi ko dapa, sasaktan na talaga kitang babae ka"singhal pa nito sa akin, kaya automatic ko siyang sinamapal ng malakas.

"Gago wag mo akong sigawan ang baho ng hininga mo"singhal ko din sa kanya.

Hinawakan ako nito sa braso ko ng mahigpit, galit na galit ang mukha saka tinutok sa akin ang dalang malasilver na baril sa tagiliran ko.

Napasigaw ang ibang tao na nandito sa groceries store na ito.

hinawakan pa nito ng mahigpit ang braso ko, masakit ang ginawa nito pero hindi ko pinahalata.

"miss mailki lang ang pasensya ko pag sinabi kung dapa dapat sumunod ka sa utos ko"singhal pa nito sa akin.

"Hoy di mo kailangangang manigaw hindi ako bingi, ang baho pa ng hininga mo bwset ka"sigaw ko din, dahilan para mabitawan ako nito sa braso,  habang nakahawak sa dalawang boteng alak ni intsek.

Eh kung ihampas kunalang tong dalawang boteng hawak ko? ano.

"please mommy follow he's nonsense command para di ka masaktan sa bad ugly monsters nayan"napatingin ako sa batang humihikbi, tumingin ito sa akin, nagmamakaawa ang kanyang mukha habang tahimik na humihikbi, yakap yakap ito ng isang lalaking gwapong kamukhang kamukhang niya, matalim akong nitong tiningnan ako ng masama, seguro siya yung ama nong bata.

"Ha?"takang tanong ko sa bata"

"JayP patahimikin muna ang babaeng yan, pag hindi sumunod barilin muna"sigaw isa pang hold upper yung nasa counter.

Napatingin sa akin ang mukhang unggoy na hold upper na nasa harap ko matalim akong tinitigan at diniin ang pagtutuk nito sa dala nitong baril.

"Di kita sasaktan kung ibibigay mo sa akin ang bag mo"parang nagdilim ang paningin ko ng marinig ko ang sinabi nito.

Ginagago ba ako nitong hold upper nato? alam ba niya kung gaano ako naghirap kaninang umaga para makabinta ng mga gulay? tapos kukunin niya ang peranh pinag-hirapan ko? at perang pinag-hirapan ng ibang tao?

Matalim ko rin itong tiningnan yung nakakamatay na tingin.

Tumingin ako sa may counter, nakita ko ang isa pang hold upper na sobrang payat, malaki ang ngisi nito, kasalukuyang sinara na ang itim na bag, punong puno pera, nakita ko si kuya Frank sa likod nito, may dalawang ring baril at baston, kumindat pa ito sa akin at tiningnan ang hawak kung bote.

Pagkatapos ay walang pasabing hinampas ni kuya Frank ang baril at baston na hawak nito sa lalaking payat na hold upper dahilan para matumba ito at mawalan ng malay.

Agad naman akong na alerto at hinampas ko ng bote ang hold upper nato,sunod sunod ko itong hinampas sa dala kung dalawang bote, kaya ayon tulog.

Pagkatapos ay nagsilabasan ang ibang tao.

"What's going on?"sigaw ni intsek na nasa loob lang ng office nito at walang kamalay malay na may holdapan na nangyayari sa tindahan niya, tssk gago talaga.

"G-grace okay kalang ba?"natigilan ako sa pag iisip Ng may nagsalita sa harap ko, parang huminto ang mundo ko ng makita ko siya ulit.

Nag-alala ang mukha niyang napatingin sa akin habang hawak hawak ang anak niyang babae nasa mga tatlong taon.

"n-nasaktan kaba?"ulit niyang tanong nang pautal utal.

Walang emotion ang mukha ko at hindi siya sinagot, para saan pa? sa apat na taon ko siyang iniiwasang makita dahil ayokong bumalik ang sakit na dinulot niya sa akin, akala ko hindi ko na siya makita kahit kailan, akala ko lumipat na sila sa cebu para hindi nila ako makita, para hindi ko sila guguluhin.

Pero sh*t lang nasa harapan kuna siya.

Siya si "Hance Venus 26 years old, my first love, at ngayon nanatili nang nakaraan ang kahapon namin, siya ang first love ko at ako rin ang first love niya, apat na taon na ang nakalipas, dalawang taon kaming magkarelasyon noon, nasira lang sa di inaasang pangyayari, nakita kupa mismo sa harap ko kung paano nila akong pinagtaksilan ng sarili niyang kaibigan, sobrang sakit ang ginawa nila, at ang ahas na yun babaeng katalikan niya alam kung sinadya niyang lasingin si Hance para maangkin niya ang boyfriend ko, sinadya niyang itext ako ng time nayon na magkasama sila ni Hance sa condo unit ng boyfriend ko para makita ko ang kahayupang pinagagawa nila, masakit sobrang nasaktan ako ng time nayon, at alam kung nandito parin ang sakit na iyon.

Masakit parin hanggang ngayon, ang akala ko ay nakalimutan kuna lahat ng ginawa niya noon, hindi pa pala, nandito pa pala.

"m-mommy"napatigil ako sa pag iisip ng may tumawag na naman sa akin ng 'mommy?'ayan naman yung bata, nakita kung patakbo itong papalapit sa akin at walang pasabing niyakap ako sa binti ng mahigpit.

"m-mommy?"mahinang sambit ni Hance, nakita ko ang sakit base sa reaksyon ng mukha niya.

"mommy are you hurt? mommy i miss you so much"iyak nang batang nakayakap sa akin.

Labis akong nagtaka, takang taka ako sa batang ito, kanina pa niya ako tinatawag na mommy?

Kailan ba ako naging ina ng batang ito? Kelan ako naging nanay?

"H-ha?"utala kung bulong.

Tumingin ako kay Hance na blangko ang mukha niyang napatingin sa bata na nakayakap sa binti ko.

"Matt"napatingin kami pareho sa bartidong boses, malamig at nakakatindig balhibo.

Isang lalaking naglalakad sa gawi namin, siya at yung ama ng batang yumakap sa akin.

"Daddy"tawag nito sa lalaki, matalim ang tingin nito sa akin.

"Uhmm mauna na kami g-grace"paalam sa akin ni Hance at saka matamlay na lumabas ng groceries store na ito, nakita ko ang mga pulis na ngayon lang nakarating.

Hindi ako umimik at tumingin lang sa papalabas na si Hance at ang anak niya.

Mahal kupa rin siya... Sh*t lang.

"Mommy?"tawag nang batang si Matt sa akin, humiwalay siya sa pagkayap sa ako at saka lumipat sa daddy niyang napatingin parin sa akin.

Hays anong problema ng mag amang to sa akin?

"Bata nagkakamali ka hindi ako ang mommy mo"sabi ko sa bata habang nakayakap sa ama niya.

Agad naman itong humiwalay sa pagkayap ng daddy niya at saka ako naman ang nilapitan niya at hinawakan ako sa kamay.

"Yes you are my mommy, i saw you in the old picture of dad's wallet, it's look like you mommy, please come home, namimiss kana ni daddy"napa awang ang bibig ko sa narinig.

Ako? may picture sa wallet ng daddy niya? paano?

•••

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon