Episode 6 "Chef"

7.6K 223 13
                                    

{Grace Celestine POV}

"Your hired miss, kailangan ko ng tauhan ngayon dahil umabsent ang isang tauhan ko dito sa restaurant ko, you can start now"napangiti ako ng malawak sa narinig, nandito ako ngayon nag aaply sa isang simpling restaurant wala pa akong naipakitang papeles tungkol sa pag aaply ng ibat ibang trabaho pero tanggap na agad ako, ayos kahit papano may silbi itong araw na to sa akin.

"Yes po ma'am"nakangiting sabi ko bingay agad sa akin ang kulay pink na uniform katulad ng mga nagtatrabaho dito, isa itong dress na hanggang paa lang at fitnafit, magrereklamo na sana ako kaso nakatalikod na ito at nagmamadaling maglakad.

Masyadong maikli ang damit na ito, napabuntong hininga ako at pumasok na sa maliit na dressing room dito.

Labag man sa kalooban ko ay sinuot ko ang damit nato, dahil kailangan, saka marami naman ang nakaganito dito kaya wala segurong mambastos dito, sana hindi ako ma fireout ulit katulad ng dati.

Mga tatlong minuto ay lumabas na ako sa dressing room at saka ng pulbo ng kunti.

Paglabas ko ay napatingin ang ibang mga taong busy sa pag asikaso ng pagkaen.

"Whoah"manghang sambit ng lalaking abala kanina sa pagluluto na ngayo'y nakatitig sa akin.

"Ang ganda mo naman miss"nakangiting sabi niya sa akin, yung ngiting nagagandahan talaga siya hindi yung manyak na ngiti.

"Salamat po sir"ngumiti ako pabalik.

"Miss..."napatingin kami pareho sa babaeng nag hired sa akin kanina.

"What's your name?"tanong nito sa akin habang papalapit sa akin.

"Grace po"sagot ko, ngumiti siya ito sa akin.

"Ako si Sheela ang kapatid ng mayari ng restaurant na ito ako na muna ang namamahala, halika Grace ituro ko sayo ang gagawin mo sanadali ha dahil aalis ako maya maya lang" tapos tinuro nito sa akin ang gagawin ko, madali naman akong natuto dahil sanay ako sa ganito.

"Okay i think sanay ka sa ganitong trabaho dahil nakikita kung madali kang matuto, segi Grace i have to go,pag may tanong ka itanong mulang sa anak ko"tinutukoy niya ang lalaking nagluluto kanina.

"Siya si Chef Tristan at ang mga kasama nito na sina Chef Roger,chef Gino, at Chef Ken, magtanong ka kung may bagay na hindi mo alam"tumango tango lang ako.

"Mag-umpisa kana Grace"utos nito sa akin na nakangiti.

"Segi po ma'am"nakangiti kung sagot.

Nagumpisa na akong mag asikaso sa mga bagong dating customers dito, tuluyan ng umalis si ma'am Sheela na nagmamadali, binaling ko ang mga customer na masayang kumaen, may nag isa sa table may couple, may magbarkada, may matanda, may matanda at may pamilya.

Hanggang sa mag tanghalian na, walang tigil ang pag dating ng mga customer dito, seguro masarap ang luto nila chef Tristan kaya patok na patok ito at ang bango ng mga pagakaen na senesrve ko kaya naseseguro akong masarap na masarap ang mga pagakaen dito.

Tatlong oras ang lumipas ay medyo kunti nalang ang customers namin dito, ang ibang ka customers namin dito ay mga nagtatrabaho sa mga ibat ibang company dito, napagitnaan kasi ang restaurant nato ng dalawang building at saka may paaralan pa malapit dito kaya may mga employee na kumakaen ng lunch dito.

Bago ko makalimutan kaming lahat dito na nagtatrabaho ay wala pang kaen, kaya yung iba medyo matamlay at ako naman medyo nagugutom lang pero kaya pa naman sanay na ako magutom.

Maya maya pa nagsidatingan na ang mga papalit sa amin nakabihis na sila ng katulad kumg damit.

Bale 9 hours lang ang schedule namin at may papalit na iba, hanggang Gabi sila at sa umaga naman kami.

04:00pm na bali 7 hours palang ako dito.

Kasalukuyang nagbihis kami ng mga tatrabaho ko dito sa dressing room.

"Hello miss bago kaba dito?ang ganda mo naman bagay na bagay sayo ang uniform natin"nakangiting salita ng ka trabaho ko may kasama itong tatlong babae na nakatingin din sa akin habang nakangiti.

"Ako nga pala si Ina, ito naman si Kathy, Danica at Lara mga best friends ko"nakangiting pakilala niya at tinuro ang mga kasamahan niya.

"Hi GRACE CELESTINE nga pala"nakangiting pakilala ko sa kanila at nakipag kamay pa sa kanila.

"Nice to meet you Grace"sabay sabay nilang sabi.

"Grace mauuna na kami ha"paalam nila sa akin at saka lumabas na.

Nagbihis na rin ako dahil out kuna.

Nakabihis na ako at saka lumabas.

"Miss..."napalingon ako sa nagtawag at ngumiti.

Si Chef Tristan nakangiti sa akin nagmamadaling lalapit sa akin.

"Wait"hanggang sa nakalapit na siya sa akin ng nakangiti. "Just wait"sabi pa nito ng nakangiti parin sa akin.

"Gusto kitang makilala, I'm Tristan Tyler Davis, and you are?"nakangiti niyang tanong sa akin at makipagkamay.

"Grace Celestine Miracle po chef"inabot ko ang kamay nito at nag shakehands kami.

"Nice to meet you Grace, see you tomorrow, take care Grace"sabi nito at naglakad na dahil parang nagmadali siya.

"Segi po chef"sabi ko din na nakangiti at saka lumabas na ng restaurant, dito ako sa likod ng restaurant na ito, umexit.

•••

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon