Episode 17 "Bestfriend"

5.3K 153 7
                                    

{Grace Celestine's POV}

"Jail?"tumingin siya sa akin na may pagtataka.

"What are we doing here in Jail?"huminga ako ng malalim at tumingin sa harapan ng presento.

"gusto mo bang makilala ang tatay ko Ivan?"wala sa sariling tanong ko habang nakatanaw parin sa harapan ng presento, napalingon ako kay sir.Ivan dahil hindi ito sumagot, nakatanaw din siya sa harapan ng presento.

"Ivan"untag ko sa kanya agad naman itong napalingon sa akin, agad kung nabasa ang mga mata niya, base sa pinapakita niya, obvious na obvious.

Huminga ako ng malalim bago nakatulalang tuminggala sa harapan.

"Oo! Criminal ang tatay ko, nakakulong siya sa presentong yan, nakulong siya dahil sa akin...."huminga ako ng malalim at hindi na tinuloy ang sasabihin, lumingon ako sa kanya at sakto naman lumingon ito sa gawi ko, nagtatanong ang kanyang mga mata.

"dadalawin ko muna ang tatay ko sa loob, mag-iisang buwan na simula nong huli ko siyang binisita dito, dito kanalang muna kung hindi mo siya gustong makilala"mahinang salita ko at huminga ng malalim ulit, binuksan ang pintuan ng kotse niya at saka lumabas.

Miss na miss kuna ang tatay ko, miss na miss kuna ang superhero ng buhay ko, miss kuna siya.

Nagalalakad na ako pagpasok ng presento dala dala ko ang basket na may lamang pagkain na niluto ko kanina, may mga prutas din na binili ko kanina nong nasa byahe kami ni sir.Ivan, bumuntong hininga ako bago ako ngumiti ng malapad, hanggat maari ay pilitin kung maging masaya o nakangiti ako kapag dadalawin ko ang tatay ko dito sa presento.

"magandang hapon Celestine, dadalwin muba si mang Apolo?"bati at tanong ni sir Leno isa siya sa ngababantay dito sa pintuan ng silda papasok sa silda kung saan naroon ang mga preso dito sa presento.

"Magandang hapon din sa inyo mga sir, oo dadalawin ko ang tatay ko, namiss kuna po siya"nakangiti kung bati pabalik sa kanila.

Pagpasok na sana ako ng may tumawag sa akin.

"Grace wait, I'll coming with you"hingal na hingal na sabi ni sir.Ivan sa akin tumakbo ito palapit sa akin.

"I'm coming with you"ulit nito bago nakalapit sa akin.

"Segurado kaba Ivan?"pagkumpirma ko sa kanya, tumango ito sa akin habang ngumiti.

"I want to meet your father, gusto ko siyang makilala, let's go?"sabi pa nito, ngumiti ako at tumango.

"Tay"masayang tawag ko kay tatay Celestino, nilapag ko ang basket sa lamesa at doon kami umopo sa matigas na upuan, nakita ko ang ibang tao na may kausap na preso, dinadalaw din sila ng mga kaibigan o pamilya nila, masyang silang nag-uusap, natanaw ko ang tatay ko na nakangiti habang tumingin sa akin, pinalabas siya ng mga pulis sa silda, nandon siya sa pinakadulong silda, pinagbuksan siya ng mga pulis na nagbabantay sa pintuan, mga tatlong pintuang bakal ang kanyang nadaan bago siya makarating dito.

Apollo Celestino Miracle yan ang pangalan ng tatay ko, mahigit siyam na taon na siyang nakakulong, ganun ka tagal.

"Anak ko, napadalaw ka naman kaagad sa akin? namiss mo ako?"masaya at nakangiting bati sa akin ng tatay ko, binuka niya ang kanyang dalawang braso para mayakap siya, ngumiti ako at tumayo saka sinalubong ng yakap ang tatay, mahigpit ko itong niyakap, naramdaman ko ang halik ng tatay ko sa batok ko.

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon