Episode 20 "Left"

4.8K 178 37
                                    

{Grace Celestine's POV}

"Kuya segurado kabang dito yung Wangfo Academy University?"paneguradong tanong ko sa driver ng taxi na sinasakyan ko ngayon.

Kumuha ako ng pera sa mumurahing wallet/pitaka ko at saka kumuha ng  100 pesos nakita ko kasi sa metro ng sasakyan na na 98 ang mababayaran ko.

Sinuklian ako ni kuyang driver ng dalawang peso, agad ko itong tinanggap at nilagay sa mumurahing wallet ko na nasa halagang bente pesos, binili ko ito sa ukay-ukay.

"Opo ma'am seguradong segurado po ako, dito nag-aaral ang apo ko kaya alam na alam ko po ang lugar na tinutukoy mo ma'am"magalang na sagot ng driver napatango naman ako saka lumabas na ng taxi, nakatinggala ako sa malawak na mala-gintong gate.

"Salamat kuya"pasalamat ko sa driver ng taxing sinakyan ko at sinara ang pintuan ng taxi,

"Magandang tanghali po manong security"nakangiting bati ko sa security guard ng University nato, ngumuti ito sa akin kaya ngumiti din ako.

"Nasan po ang ID permit niyo ma'am?"tanong nito sa akin kinuha ko mula sa bag ang ID permit na bigay sa akin ng chef teacher ni George last month pa, pinakita ko ito sa security guard.

Kailangan daw ito ipakita sa guwardya para maka pasok ka sa University nato, dito gaganapin ang cooking contest sa University nato, ilalaban ng ibat-ibang Universities ang karangalan ng kanilang paaralan.

"Pasok po kayo ma'am"nakangiting salita ng guwardya kaya pumasok na ako kaagad, ang sabi ni George sa akin nong nagkita kami last month ay doon gaganapin ang cooking contest na magaganap ngayong araw.

Umuwi kasi ako last month pagkatapos ng araw ng kasal namin ni sir.Ivan, nagpaalam ako non kay sir.Ivan, halos di nito ako pinayagan umalis dahil nga baka takasan ko siya kahit tapos na ang kasal namin pero magpupumilit ako sa kanya at dahil busng busy siya kaagad sa company ay wala siyang nagawa dahil kailangan kung umalis sa araw nayon, pinatawag kasi ako ng chef teacher ni George noon para ibigay ang ID permit ng Wangfo Academy University kailangan daw ni George ang supporta ko dahil kabado itong si George baka daw mawala ang kaba nito kapag sinusuportahan ko kagaya ng pagsuporta ko sa kanya palage kapag may contest na sinasalihan ang mga kapatid ko lalo na kay George, sabi kasi ni George panghihinaan ito ng loob kapag walang sinusuporta sa kanya isa sa pamilya niya, noon ay tatlo kaming magsuporta sa kanya kapag may contest na sinasalihan kami ni Nanay Grasya at Tatay Celestino ang supporta sa kanya dati pero ngayon ako nalang.

Nang makita ko ang cooking building dito sa loob ng malawak na University ay tumakbo ako patungo sa loob dahil late na ako nayon kasi ang sabi ng Chef teacher ni George ay 10:30 maguumpisa ang cooking contest nila e 10:35 na kaya late ako ng 5 minutes, traffic kasi kanina.

"......10 minutes starts now"

Yun ang unang narinig ko pagpasok ko ng cooking building, malawak ang lugar na ito na para lang siyang basketball gym, maraming ibat-ibang estudyante na nakapalibot sa cooking building na ito, nasa gitna ang mga representative, naka sout sila ng mga uniforms ng kani-kanilang paaralan habang may sout na white toque at  chechered Apron lang ang sout nila.

Hinanap ng mga mata ko ang gwapong kapatid ko at agad ko namang nahagip ng mga mata ko si George, nagumpisa na ang mga representative ng ibat-ibang Universities pero siya ay parang aligaga at parang di mapakali, lumingon lingon siya kaya tumingin din ako don tiningnan niya, nandon ang dean ng school at ibang mga teachers ng Crush Academy nandon din ang gwapong Chef teacher niya na nakita kung umiling-iling at hindi rin mapakali, may mga ilang estudyante din ng Crush Academy ang dumalo para sa competition na ito.

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon