Rhea's POV
Dalawang araw pagtapos ang nangyari kay Drake at usap usapan agad kami sa school.Pinatawag kami ni lolo sa office nya,wala pa si Drake nagpapagaling pa sya.
Flashback.....
"Alam nyo naman siguro kung bakit kayo pinatawag diba."sabi ni lolo at tumingin sakin"Ano nanamang ginawa mo?"
"Lo sila nagsimula."sabi ko
"Dean,binalaan ko lang si Drake na pinaglalaruan lang sya nitong apo mo dean,bigla nalang nya kaming sinapak."sabi ni Duke
"Ha!Napakasinungaling mo naman pre."sabi ko
Nangangati nanaman tuloy tong kamay ko at gusto ko syang sapakin.
"Binalaan?Tss tss tss,oo lo pinagsasapak ko sila pero sila naman yung nanguna."sabi ko
"Carmela!Babae ka parin,lalaki yan."sabi ni lolo
"Eh lo pano si Drake?Hahayaan ko lang?Hindi pwede yun,sinabi ni Drake sakin lahat at may relasyon man kami o wala,wala na syang pakialam don."sabi ko sabay turo don sa King*nang yun
"Mr Celestino papuntahin mo dito yung magulang mo bukas at isang linggo kang hindi makakapasok dito sa University."sabi ni lolo
"Dean!Ano hindi naman tama yun?!Kami lang yung may parusa?Pano tong pasa namin?"tanong nong isang ugok
"Hyst Carmela!Hindi ka din makakapasok sa University ng isang linggo at patawag ng magulang mo bukas,pati kayo bukas."sabi ni lolo
Hays si Mom nalang yung papapuntahin ko.
"Makakaalis na kayo."sabi ni lolo
Umalis na yung mga ugok,syempre bago umalis si Duke,binatukan ko muna sya,buti nalang at hindi nakita ni lolo.
"Lo sorry,hindi ako nakapagpigil,kasi naman binugbog at kinawawa nila si Drake."sabi ko
"Carmela,may gusto kaba kay Drake?"tanong ni lolo
Hindi ako nakasagot agad at huminga ng malalim.
"Opo lo gusto ko sya."pag amin ko
"Eh pano si Prince Davian?"tanong ni lolo
"Eh? Anong kinalaman ni oppa dito?"tanong ko
"Gusto ka non."sabi nya
"Wee lo?Di nga? "manghang tanong ko
"Oo nga hyst,ikaw talagang bata ka,pano pag nalaman ng Daddy mo to?"tanong ni lolo
"Lo si Prince Davian kaibigan ko lang sya,noon gusto ko sya pero lahat nagbago,tsaka lo ikaw na bahala kay Dad,treat kita kikiam tsaka fishball."sabi ko
"Oh sya oh sya,treat mo ahhh,o sya kunin mona yung bag mo at umuwi kana,magtino Carmela ahhh."sabi ni lolo
"sige lo bukas ahhh treat ko,nga pala lo habang wala ako pwedeng kayo muna nila Maria yung magbantay kay drake?"
"Oh sige apo,ako nang bahala."sabi ni lolo
"Thanks lo and sorry for the trouble,alis nako."sabi ko at umalis na don
Si lolo ang pinaka close ko sa lahat,noon para kaming mag ama dahil lagi ko syang kasama noon,hanggang ngayon nga eh.
Pagdating ko sa room nag tinginan sila sakin.
"Relax guys ako lang to."sabi ko kahit may teacher
"Ehem ms salvador kung manggugulo kalang umalis kana"
"pwede ba Ms kung sino ka man,aalis naman talaga ko tsaka wala kang paki kung andito ako."sabi ko at pumunta na sa upuan ko tsaka kinuha yung bag ko
BINABASA MO ANG
Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]
Teen FictionRhea was challenged by four of her friends to join a bet. She had to fall in love with a nerd man for a month. Rhea didn't know that the man was just pretending to be a nerd and the truth was that he was a prince in another country. When they fir...