Sumunod nga ako kila Mom,pumunta kami sa isang shop at pumili si Mom ng magandang suit na babagay kay Drake.
"Ito nak.Sukat mona,bagay sayo to."sabi ni Mom
"Sige po Mom."sabi ni Drake kay Mom tapos tumingin sya sakin
Nagthums up lang ako sabay ngiti.
So habang nagbibihis si Drake andito naman si Mom para makipagchikahan sakin.
"Nak,ang gwapo ng magiging boyfriend mo nak,para ngang pang k drama eh."
"Oo Mom,sobrang bait nya pa kaya nga nabago nya ko eh."sabi ko
"Nako support ako sa inyo nak,ewan ko lang sa Daddy mo pero ako ng bahala sa kanya."
"Thank you Mom,your the best!"
Paglabas ni Drake napa nganga kami si Mom naman napatili.
"Grabe ang gwapo mo nak,hay nako tanggalin natin to."sabi ni Mom tapos tinanggal yung salamin ni Drake"Yan perfect!"
"Thank you po Tita,iingatan ko po itong bigay nyo."
"Nako sya sige kain muna tayo,6 na pala."
Nagbayad na si Mom tapos pumunta kami sa isa sa mga Restaurant dito.
Bago kami pumasok sa Restaurant,tinawagan muna ni Mom yung driver Namin na si Mang Erning at ipinadala namin yung mga damit.
Umorder na kami at kumain kami ng steak.
Pagtapos kumain,pumunta na kami sa arcade at naglaro kaming tatlo na para bang bata pa nasulyapan ko si Mom na masaya,buti naman at naging masaya sya ngayon.
Nag eenjoy din si Drake talagang gusto sya ni Mom para sakin.Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Drake eh,oo nerd sya pero ang gwapo nya parin.
Pagtapos namin mag arcade hinatid muna namin si Drake.
"Dito ka pala nakikituloy kila Andrey."sabi ni Mom
"Kilala mo po sya Mom?"tanong ni Drake
"Oum kumare ko kasi yung Mommy nya."
"Thank you po ulit sa libre Mom,ingat po kayo sa pag uwi.Thank you po ulit."
"Oh sige nak,oh mag goodbye ka muna sa manliligaw mo."
"Mom naman eh,sige Drake bukas ahhh bye bye."
"Sige Mela ingat ahhh,Mom ingat po."sabi ni Drake
"Sige na po Kuya Erning."sabi ni Mom
Sumilip pako sa bintana para tignan si Drake.
"Drake!Catch!"sigaw ko sabay flying kiss sa kanya
Sinalo naman nya yun kunwari.
"Mela!Catch!"nagflying kiss din sya at sinalo ko yun
Tumingin ulit ako kay mom na nakatingin pala sakin.
"Ganyan din kami ng Daddy mo noon,nakakamiss maging bata ulit."
"Ok lang yan Mom,andito naman ako eh."
"Edi thank you."natatawang sabi nya
Niyakap ko si Mom,paguwi namin ako na nag bitbit nong damit na binili ko.
"Sige na maligo kana don at matulog dahil maaga kapa bukas."
"Sige Mom and thank you for today."
"You're welcome my sweetie,sya sige pasok na at baka hinihintay nako ng Daddy mo."
Tumango lang ako at pumasok na sa kwarto ko.
Nilapag ko yung pinamili namin at humiga sa kama,ilang minuto akong nakahiga sa kama ng mag vibrate yung phone ko.
BINABASA MO ANG
Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]
Teen FictionRhea was challenged by four of her friends to join a bet. She had to fall in love with a nerd man for a month. Rhea didn't know that the man was just pretending to be a nerd and the truth was that he was a prince in another country. When they fir...