Rhea's POV
Isang buwan na ang nakakalipas.Isang masayang isang buwan ang lumipas.
Nga pala andito ngayon yung tatay ni Davian,dahil mamamanhikan sila samin.
Andito kami ngayon sa mesa at nagkwekwentuhan.
Nagkwekwentuhan sila Mom,Dad tsaka yung Daddy ni Davian.
Kaming apat naman ay nagtatawanan,dahil sa mga pinagkwento ng Daddy ni Davian tungkol sa kanila.
Pagtapos ng kainan nag desert naman kami.Pagtapos ng desert,nag usap muna sila Mom kasama yung Daddy ni Davian.
Sila Ken naglalaro sila don kasama yung kapatid ni Davian.
Kaming dalawa naman ni Davian nasa rooftop.
"Hahaha grabe,nakakakaba pala yung Daddy mo."sabi ko
"Hindi ahh ganon lang talaga si Dad,tsaka mabait naman yun.Pagtulog."
Nagtawanan kami,hinawakan ni Davian yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Mela,kung pakakasalan ba kita papayag ka?"
"Anong tanong yan Davian?Syempre oo."
Tumingin sya sakin at nagulat ako dahil bigla syang lumuhod.
"Alam kong andami kong pagkukulang Mela.Maraming nangyari at nagkahiwalay tayo.Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda natin.Gusto mo ba kong samahan habang buhay?Mela will you marry me?"
Natakpan ko yung bibig ko at naluluha dahil,ito na ito na yung pinakahihintay ko.
"Yes!Davian yes!Papakasalan kita."lumuluhang sabi ko
Sinuot nya yung sing sing at nagyakap kami.Sobrang saya ko ngayon,magkakatotoo na ang pangarap ko
"I love you Mela.I love you."
"I love you too Davian.I love you too,thank you."
So habang nagiiyakan kami biglang may sumigaw.
"Sana all!"sigaw ni Sasha
Natawa naman kami ni Davian at pumunta ako sa kanya.
"Tignan nyo,magpapakasal na kami."sabi ko at pinakita yung sing sing sa kanila
"Congrats Rhea!"sabi ni Drew
"Congrats beshywap!"sabi ni Rose
"Congrats!Hindi kana lonely."sabi ni Maria
"Congrats my beshywap!"sabi ni Sasha
"Omg!Naiiyak ako,congrats!"sabi ni Kim tapos niyakap ako
"Naiiyak ka because?"sabay naming sabing apat
"Luh mga ano to,tara na nga magparty party na tayo!"
"Opss bawal,at anong ginawa nyo dito sa disoras ng gabi? "
"Ahhhh hahaha dito kami matutulog.Pinapasok kami nila Tito,uy Davian congrats ahhh,ang gwapo ng tatay mo."sabi ni Sasha na ikinatawa namin
"Congrats!"
"Hahahahah sige.Pasok na kayo kakausapin kopa si Mela."
"Sige,maglabing labing na kayo."
Hinawakan ako ni Davian sa kamay at pumunta kami sa dulo.
"Thank you Mela.Hindi ko talaga kaya kung mawawala ka ulit sakin."
"Ako rin Davian.I love you."sabi ko
Hinawakan nya yung mukha ko at unti unting inilapit yung mukha nya sakin.
Hanggang sa maglapat na ang aming mga labi,habang nagkikiss kami biglang may bumukas ng pinto at si Sasha yun kaya napalayo kami.
BINABASA MO ANG
Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]
Teen FictionRhea was challenged by four of her friends to join a bet. She had to fall in love with a nerd man for a month. Rhea didn't know that the man was just pretending to be a nerd and the truth was that he was a prince in another country. When they fir...