CHAPTER 24

57 6 0
                                    

Umalis nako don at pumunta sa kwarto ni Mr Reyes.

Pagbukas ko ng pinto andon sya at tulog.

Pumasok ako at hinawakan sya sa kwelyo nya at inuga uga.

"Bakit andito yung kapatid ko?"

Inaantok pasya at papikit pikit pa,ilang sandali ay nanlaki ang mata nya.

"Huh?Ms Salvador?What are you doing here in my room?"

"Sagutin moko Aisen Reyes,bakit andito yung nawawala kong kapatid?"

"Huh sinong kapatid?"

"Wag mokong ma sino sino!Bakit nasayo si Carmelita?"

"Walang Carmelita dito Ms Salvador,nakainom kaba?"

Sinapak ko sya,wala akong paki kung mas matanda pa sya sakin.

"Si Fiona!Kapatid ko sya!Bakit mo kinuha ang kapatid ko noon?!"

"Hindi si Fiona yung kapatid mo Ms Salvador!Plss umalis kana bago kita kasuhan ng trespassing."

Sinakal ko sya,nanggigigil nako.

"Sasabihin mo ba sakin? O mamamatay ka?"

"Wala akong sasabihin dahil totoo ang sinasabi ko."

Binitawan ko sya kaya napapaubo sya.

"Panong totoo eh ako na yung nagkumperma?"tanong ko

Ilang segundo akong natahimik at napangisi.

"Baka naman nagsisinungaling ka,kita moto?"sabay taas sa punit na picture

Nanlaki naman ang mata nya kaya lalo akong napangisi.

"Habang hinahanap ko si Carmelita nakita ko to,ito lang at wala na yung kalahati nitong picture nato."sabi ko habang lumalapit sa kanya

"W-Wala akong alam sa sinasabi mo."

Hays ayoko pa naman sa lahat eh yung huli na nagmamaangmaangan pa.

"Khhh talaga?"

Kinuha ko yung small knife,papatamaan ko sana sya pero ang tatamaan ko ay yung pader.

"Pagnapatunayan kong kapatid ko sya,papatayin kita."napangising sabi ko

Kinuha ko yung small knife ko tsaka tumalikod.

"Kahit ilayo muna sya sakin,mahahanap at mahahap ko sya.Kaya kung gagawin mo yan.Wag na, magsasayang kalang ng pagod mo.Ghe alis nako 'Mr Reyes' pag dating ng isang linggo kukunin kona sya sayo kasama ang ebidensya ko."

Syempre palusot ko lang yun,baka bukas kunin kona sya.

"Mag iingat ka 'Mr Reyes at baka magulat ka nasa empyerno kana."

Lumabas nako don,nakita kong may papuntang tauhan nya kaya dali dali akong tumakbo pumuntang kwarto ni Lita,kumuha ako ng gunting at gumupit ng kaunting buhok nya.

Ngumiti ako,nilagay ko sa Plastic yung buhok nya,ngumiti ulit ako at tumalon na sa bintana.

Umuwi nako sa bahay at dali daling pumunta sa kwarto ni Mom,wala don si Dad dahil mag overtime daw sya sa trabaho.

"Mom!Wake up!I have to tell you something"

Inalog alog ko si Mom hanggang sa magising sya.

"Ano bayun anak?Madaling araw na oh."

"Mom nahanap kona si Lita."masayang sabi ko

Nagulat si Mom at napaupo.

"Asan sya?Ayos lang ba sya?"

Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon