Continuation.....
Flashback....
"Dean may tanong lang ako."sabi ko
"Ano yun Prince?"tanong nya
"Bakit ibang iba yung ugali nyo ng apo mo?Hindi sa nanglalait,pero yun yung nakikita ko."pag aaming sabi ko
Yun naman kasi yung totoo,nabasa nyo naman diba wala syang respeto.
"Hindi naman sya dating ganon,napakabait ng apo ko nayan.Kahit na medyo pa saway yan,mabait yan."sabi nya
"Eh Dean hindi nya nererespeto yung mga Teachers at Students sa University."sabi ko
"Nagbago sya nong nawala yung kapatid nya.Hindi namin alam kung asan yung kapatid nya,laging galit si Clyde sa kanya dahil sa pagkawala ng ni Carmelita"malungkot na sabi ni Dean
"I'm sorry Dean,I didn't know-"
"It's ok,basta wag mong sasabihin sa kanya.Baka masapak ka non."biro ni dean
End of flashback....
Ahm napaka interesting nyang babae,akala ko nong una isang babaeng siga at walang respeto,sana mahanap nya yung kapatid nya.
Nasa kwarto nako ngayon at gumawa ako ng fake account sa fb.Drake Jasper Alfonso,wala akong profile picture,inaadd ko si Andrey at yung babaeng yun.
Bawal kung gamitin yung Instagram account ko dahil baka matrace ako ni Dad,itong phone na gamit ko binili to ni Andrey.
Dahil di pako inaaccept ni Carmela,inistalk ko muna sya.
Konti lang yung photos nya at puro silang lima lang yung andon,wala akong nakita don pero merong isa,kasama nya yung pamilya nya pero wala don yung kapatid nya.
Nagtingin tingin pako pero wala akong nakita,puro mukha nya pero walang emosyon yung mga yun.
Gumawa ako ng account sa instagram gamit yung fake name ko,instalk ko din sya don pero kagaya nong sa fb wala,niloloko lang ata ako ni dean.
Dahil tapos nakong maligo at nagpatuyo narin,hindi pa ko antok,kaya inistalk ko nalang sya.
Ang ganda nya sana,kaso hindi sya ngumingiti.Siguro nga ganon nalang ang lungkot sa mga mata nya nong una ko syang makilala.
Nag isip ako at napag isip isip ko na kikilalanin ko sya at tutulungang magbago.
Rhea's POV
Pag gising ko,nag online muna ako at nagulat ako dahil may nag add sakin,si nerd!
Inistalk ko sya pero walang details na lumabas,ni walang profile pic.
Bumangon ako sa kama ko at ginawa ang morning rituals ko,pagtapos non bumaba nako at nag breakfast.Nag aaway nanaman sila Mom at Dad,dito sa hapag.
"Ano ba?!Hindi ba kayo titigil?!Ang iingay nyo di ako makakain ng maayos!"sigaw ko
"Carmela!Wag mo kaming sinisigawan ng Mommy mo ha!Dahil sayo nawala yung kapatid mo!"sisi ni Dad sakin
"Oo Dad!Ako nang may kasalanan!Ako naman lagi diba!"sigaw ko
"Wag nga kayong magsigawan dito,Carmela plss,Daddy mo parin yan."sabi ni Mom
Tumayo nalang ako at pumunta sa kwarto.
Lagi nalang nya akong sinisisi sa pagkawala ni Carmelita,hindi ko naman yun sinasadya eh.
Naligo nalang ako at don ko binuhos yung luha ko,hindi ko yun sinasadya.
Bakit ako pa yung nakaligtas?Bakit hindi nalang ako yung nawala?
BINABASA MO ANG
Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]
Fiksi RemajaRhea was challenged by four of her friends to join a bet. She had to fall in love with a nerd man for a month. Rhea didn't know that the man was just pretending to be a nerd and the truth was that he was a prince in another country. When they fir...