Continueation
Hindi ko sya sinagot at tumayo.
"Hindi ko sya papakawalan Maria.Mahal ko si Mela at kahit sa ayaw at gusto nya ay hindi ako aalis sa tabi nya."sabi ko
Hahakbang na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Teka Drew."sabi nya at hinawakan yung kamay ko"Sabihin na nating nasayo sya pero Drew,alam kung hindi magiging masaya si Rhea kasi si Davian yung mahal nya.Kaya Drew payong kaibigan to,susuportahan parin kita sa gusto mo pero isipin mo si Rhea.Isipin mo kung magiging masaya ba sya sayo."
Binitawan nya yung kamay ko at tinapik ang balikat ko.
"Mag iingat ka Drew.Mahal ka namin dahil bestfriend ka namin.Tandaan mo yung sinabi ko,para rin yun sayo at kay Mela at isa pa pala,mas masakit makitang hindi masaya sa piling mo yung mahal mo.Mas masakit pa yun kisa makita syang may iba,huminga ka ng malalim at pakawalan ang dapat pakawalan.Mas mabuti pang magparaya kesa makulong sa nakaraang imahinasyon na lamang.Sige Drew alis nako."
Ilang segundo akong nakatayo lang doon.Umalis ako sa Cafe na lutang ang isip,paulit ulit tumatakbo sa isip ko yung mga sinabi ni Maria.
Sumakay ako sa kotse ko at nagbihis na,pagpunta ko don sa mansyon nila Mela nag doorbell ako.
Pinapasok ako ni Manang,hinintay ko si Mela makalabas.
Tumingin sya sakin at ngumiti.
Kailangan na ba talaga kitang pakawalan?
"Tara na Drew,nagugutom narin ako. "
Pinasakay ko sya sa kotse ko at pumunta kami sa Restaurant na malapit lang dito.
Nagpareserve nako kanina pa kaya umupo na kami sa table namin.
Umorder na kami ni Mela,habang nagsasalita sya nakatitig lang ako sa kanya.
magiging masaya kaba pag pinalaya na kita?
"Uy Drew,nakikinig kaba?"
"A-Ahh oo,tuloy mo lang."
"So ganon nga yung nangyari."
So dumating na yung order namin,habang kumakain salita parin ng salita si Mela.
"Wuy Drew,ok kalang?"
"Ahhhh oo,ito tikman mo to masarap to."sabay abot ng pagkain sa kanya
Pagtapos kumain nagdesert naman kami.
Tinitignan ko sya,makakaya ko kayang pakawalan sya?
mas masakit makitang hindi masaya sa piling mo yung mahal mo.Mas masakit pa yun kisa makita syang may iba,huminga ka ng malalim at pakawalan ang dapat pakawalan.Mas mabuti pang magparaya kesa makulong sa nakaraang imahinasyon na lamang.
Naalala ko nanaman,pinag iisipan kona to kanina pa.
Siguro tama nga si Maria.Mas masakit nga siguro makita kang hindi masaya sa piling ko.
Pagtapos kumain,tatayo na sana si Mela ng pigilan ko sya.
"Mela,may sasabihin ako sayo."
Huminga ako ng malalim at tumingin ng deretso sa kanya.
Rhea's POV
"Mela,may sasabihin ako sayo."sabi ni Drew
Umupo ako ulit at tumingin sa kanya.
"Ano yun Drew?"
"Hindi ko alam kung san to sisimulan pero noong una kitang makilala,nagustuhan na kita tapos na nong pinagtanggol moko sa mga bullies noon,mula noon gusto na kita.Natuwa ako noon dahil ikakasal ka sakin pero bigla mo kung nilayuan,ginawa ko ang lahat non para maging kaibigan ka noon.Bumalik ako sa U.S dahil gusto ko munang maayos ang lahat,humilom yung galit mo sakin."
Hindi ako nagsalita,alam ko pero anong sinasabi ni Drew naguguluhan ako.
"Pinabalik ako ni Tito dahil gusto na ulit kitang bawiin kay Drake na si Davian pala.Nasaktan ako nong nakita kitang umiiyak dahil iniwan ka noon ni Davian.Sinabi ko sa sarili ko na hindi kita iiwan pero Mela,hindi kona yun magagawa pa.Gusto na kitang palayain,gusto na ulit kitang makitang masaya."naluluha nyang sabi
"Drew,ano bang sinasabi mo?"naiiyak na tanong ko
"Mela plss listen to me.Gusto kong balikan muna ulit si Davian,gusto kong maging masaya kana ulit."
"Drew pano ka?Sino na magpapasaya sayo?"
"I'm ok now Mela.Alam kong magiging masakit para sakin na palayain ka pero mas magiging masakit sakin na makitang hindi masaya sa piling ko.Mas masakit sakin na marialize mo na mas mahal mo si Davian kisa sakin."umiiyak na sabi nya
"I'm sorry Drew."umiiyak na sabi ko
"Shhh don't be Mela.Don't be sorry.Ako ang nagdesisyon nito.Basta masaya ka,masaya nako.Susuportahan kita,kahit ikakasakit ko pa dahil mahal kita."sabi nya at niyakap ako
"I'm sorry Drew,sorry kong ganito yung naranasan mo dahil sakin.Sorry Drew.I'm sorry."
"Shhh tahan na.Magiging ok din ang lahat at maghihilom din ang lahat ng sugat."sabi nya
Pinunasan nya yung mga luha ko at natawa.
"Sige na tahan na at aalis na tayo,iuuwi na kita."sabi nya
Pinunasan ko yung luha ko,nagretouch ako don sa table namin,nereserve naman ni Drew yung buong Resto eh.
Pagtapos mag ayos hinawakan ko yung kamay nya at sabay kaming umalis din sa Resto.
Pagkauwi namin niyakap ko sya.
"Sorry ulit Drew at thank you sa treat."
"Your welcome Mela.Sige na pasok kana,uuwi narin ako."
"Sige Drew,ingat sa pag uwi."
Tumango lang sya at ngumiti,bago ako pumasok sa gate kumaway muna ako sa kanya.Kumaway naman sya pabalik.
"Fiona,Ken andito nako."
"Oh good evening Ate Rhe,si Fiona gagabihin daw sya kasi birthday daw nong kaklase nya."
"Ahh sige yaan muna.Malaki narin naman sya,punta muna ako sa kwarto at Ken pagtapos mo manood dyan sa tv patayin muna yan at matulog na,nga pala sila Mom and Dad?"
"ahhh nagdate sila Ate Rhe."
Tumango lang ako at pumunta na sa kwarto..
Pagpasok ko himiga ako don.
Hindi ko akalaing ganon yung nararamdaman ni drew,hindi ko man lang sya nacomfort nong ganon pala yung nararamdaman nya.
Leandrew's POV
Pagpasok ni Mela sa mansyon nila.Pumunta na ako sa kotse ko at nakatulala lang don.
Tama ba yung ginawa ko?
Magiging masaya kana ba?
Bakit ang sakit sakit?
Bakit parang dinudurog yung puso ko?Napaiyak ako sa isiping yun.Siguro nga hindi tayo para sa isat isa.Sana maging masaya ka kahit hindi na ako ang nag papasaya sayo.
Pinunasan ko yung luha ko at pumunta sa bar.Gusto kong maglasing.
Pagpunta ko don umorder agad ako ng alak.
Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing ako.
Tutunggain kona sana yung bote ng biglang may kumuha non.
Si Fiona.
"Tigilan mona yan at umuwi kana."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagsasaya,ikaw?Nag papakalasing kasi may problema?"
"Hays,ibigay mo nayan."
"Hindi.Umuwi kana."
Hays bakit kasi kamukha mo yung Ate mo eh!
To be continued.......
BINABASA MO ANG
Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]
Teen FictionRhea was challenged by four of her friends to join a bet. She had to fall in love with a nerd man for a month. Rhea didn't know that the man was just pretending to be a nerd and the truth was that he was a prince in another country. When they fir...