CHAPTER 22

63 4 0
                                    

Habang kausap ko si Mom biglang may pumasok sa bahay.

"Rhea!"sigaw ni Rose

"Oh andito pala kayo,watsup!"

"Rhea!San ka ba kasi nag punta?"sabi ni Kim

"Pinag alala mo kaming lahat."sabi ni Maria

"Sorry guys.Sorry pinag alala ko kayo, sorry."sabi ko at niyakap sila

"Hays namiss ka namin bruha ka."

"Bakit ganyan suot mo?"tanong ni Sasha habang ako ay nakangiti lang

Ang suot ko kasi ngayon ay pang magsasakang damit.May sumbrero at madumi ang damit ko.Maputik kasi sa daan habang papunta kami sa daungan.

"Pinahiram sakin to ng taong nagpatuloy sakin,sorry at ngayon lang ako umuwi.Masyado akong nalibang doon."sabi ko

"Buti naman at umuwi kana,sobra mo kaming pinag alala."sabi ni Rose na ngayon ay nakayakap na sakin

"Ahhh ito nga pala record ko yan kanina habang nag kwento ako kay Mom,pakinggan nyo nalang."

Inabot ko yung phone ko,habang nakikinig sila bigla nanamang may pumasok.

"Mela!"sigaw ng kung sino pero alam ko kung sino yun...Si Drake

Bigla nya akong niyakap kaya nagulat ako don.Ilang minuto nya akong niyakap,naramdaman kung may tumulo na kung ano sa balikat ko,hinarap ko si Drake at nakita kong umiiyak sya.

"Akala ko iiwan mona ako,kung san san na kita hinanap."

"Shhh tahan na.Andito nako oh,oh guys maiwan ko muna kayo.Mag uusap lang kami ni Drake sa rooftop."

"Sige lang,Rhea push nyo yan."sabi ni Maria

"Dalhan ko kayo snacks don nak."

"Sige Mom,thank you."

Magkahawak yung kamay namin hanggang sa makaakyat kami sa rooftop.

Tinignan ko sya at ngumiti ako.

"Sorry nawala ako nong gabing yun.May kumidnap sakin kaya nawala ako bigla.Tinakasan ko sila gamit yung strategy na tinuro ni Lolo para sakin,nong nakatakas nako napunta ako sa gubat at naligaw ako don.Ilang oras akong naglakad hanggang sa may makita akong Private Island.Bawal ko sabihin yung pangalan ng isla nila dahil may mangyayaring masama.Bago ako makapasok don binigyan nila ako ng dalawang pagsubok yung una makikipaglaban ako sa anak ng Datu at pangalawa sasabihin ko kung sino talaga ako.Nang mapagtagumpayan ko yun,pinatuloy nila ako.Pinakain at pinakitunguhan ng mabuti,isang linggo nako don at nagdeside nakong umuwi na dahil baka nag aalala na kayo at tama ako."sobrang habang paliwanag ko

Hinawakan ko yung mukha nya at ngumiti.

"I'm sorry.I left you alone,sorry kung nagsinungaling ako sayo."

"It's ok,its ok.Basta andito kana ulit,wala nang problema sakin yun.Wag molang ulit akong iiwan."

Nagyakap kami.Natutuwa ako at nagkaayos na kami,so pagtapos naming magdrama pumasok si Mom at nag dala ng snacks.

"Sige na nak,mamaya tabi tayo matulog huh."

"Sige Mom,tabi tayo."sabi ko

"Sige hijo,maiwan ko muna kayo."

Umalis na si Mom,tumingin ako kay Drake at sinabit ang dalawa kong braso sa balikat nya.

"So bati na tayo?"nang aakit na tanong ko

Hinapit naman nya ako saking biwang at hinalikan yung smack lang.

"Oo naman babe."sabi nya tapos hinalikan ako

Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon