CHAPTER 23

63 4 0
                                    

Kinabukasan......

Gumising ako ng maaga at nagbihis na ng pang school.

Pagdating ko palang sa gate ng school nakatingin na sila sakin.Wag nilang sabihin na nag alala sila sakin dahil baka ipatapon ko sila sa ilog meycauayan.

Habang papasok sa room nakasalubong ko si Sir Romero.

"Oh Carmela.Buti naman at ok kana,nag alala kami sa pagkawala mo."

"Ok lang ako Sir,sige ho pasok na ko."

"Sige hija,ingat huh."

Nagiba ba ang simoy ng hangin ngayon?

Pagupo ko sa upuan ko nagsilapitan lahat sakin.

"Uyy Rhea anong nangyari sayo?"tanong ni Carlo

"Oo nga,san ka nag punta?"sabi ni Dave

Ngumisi ako at tumingin sa kanila isa isa.

"At kilan pa kayo naging concern sakin?Akala ko ba Vice President ayaw mong andito ako?Akala ko ba pabigat lang ako dito?"

"Syempre nag alala kami kasi tao kami."sabi ni Vice President

"Ha!Ayoko sa lahat yung pinaplastic ako.Kaya kung paplastickin nyo lang ako,eh lumayas layas na kayo.Bago ko pa kayo pagsalitaan ng kung ano ano."

Ayoko ng plastic,dati pinagbubulungan nila ako ng kung ano ano tapos ngayon?!

Ilang minuto lang andito na yung anim,wala pa si Drake kaya nakipagkwentuhan muna ako kila Sasha.

Ilang minuto ulit at dumating din sya,nilapitan ko sya at niyakap.

"Hays namiss kita,bakit ngayon kalang?"

"Sorry napuyat ako kagabi."

"Bakit?May problema ba?"

"Nope napuyat lang ako kakaisip sayo."

"Wala na."sabi ni Kim

"Wala na finish na."sabi ni Maria

"Tae na!Wala na talaga."sabi ni Rose

"Tae kayo."sabi ni Sasha

Natawa naman kami ni Drake,umupo na kami.

.................

Natapos ang klase ng masaya at payapa.

Umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa labi.

Andito ako ngayon sa secret room ko dahil titignan ko kung may clue na ba.

"Angelo may clue na ba?"

[Yes Ms Salvador,nakita namin sya sa isang mall.Pinasundan namin sya at may nalaman kami.Anak sya ni Mr Reyes]

"Mr Aisen Reyes?Yung guest nong Ball?Pano nangyari yun?"

[Hindi pa namin alam.Hindi pa ako sigurado kung si Carmelita talaga yun,dahil chenick namin yung files at napag alaman namin na Fiona Anne ang pangalan nya.Hindi pa kami sigurado,ibibigay ko sayo yung address at ikaw na ang magkomperma.]

"Sige Angelo,salamat."

[Anytime Ms Salvador.]

"Angelo,may gusto pakong ipa embestiga sayo.Si Davian Jake Fuentavilla,bigay mo sakin yung files nya at kung bakit sya andito sa Pilipinas."

[Diba sya yung Prince sa America tsaka Crown Prince sa Korea?Bakit mo kailangan yung files nya Ms Salvador?]

"Naghihinala ako sa kanya,bakit andito sya?Anong gagawin nya dito?Tsaka pati si Andrey Patiño,Investigate them,kung pano sila magkakilala."

[Sige Ms Salvador,nasend kona yung address.Magandang gabi,I'm out.]

"You too."

Pinatay kona yung tawag,nagtataka kasi ako kung bakit pag andon si Drake kila Andrey?Wala naman don si Davian,kapag andon naman si Davian wala si Drake.Ewan ko ba pero parang may mali talaga.

Davian/Drake's POV

Andito ako sa kwarto ko at pinagiisipan kung tatawagan ko ba si Mela.

Nakatingin lang ako sa cp ko ng may tumawag na unknown number.

"Hello,who's this?"

[Oppa go back plss,Dad force me to get married with a stranger guy plss Oppa.I don't want to get married.I'm still young Oppa plss!]

"Ok,I go back there.Plss just be patient ok."

[Thank you Oppa,I'm waiting plss.]

Pinatay kona yung tawag,kailangan kong pigilan si Dad sa binabalak nya.

Kailangan kong ayusin lahat to.Hindi ko alam kung pano ko sasabihin to Kay Mela pero sana maintindihan nya yung sitwasyon ko.

Rhea's POV

So hindi ako nakatulog at nagpasyang puntahan kong asan talaga ang nawawala kong kapatid,kung sya na talaga yun.

Kinuha ko yung motor ko at palihim na umalis,10:00pm na ngayon.

Pagdating ko don,pinara ko yung motor ko sa isang madilim na lugar.

Ang nakalagay kasi sa address eh yung bahay ng mga Reyes.

Umaligid ako at nakita kong may bantay.

Nakita kong tulog yung bantay kaya dumaretso ako sa likod,papasok na Sana ako sa loob ng may tao kaya nagtago ako sa halamanan,pagkaalis non,dumertso nako.

Walang tao don sa sala.Syempre tulog na sila,umakyat ako sa hagdan at hinanap yung pinto ni Fiona na kapatid ko.

Pinihit ko yung pinto at hindi nakalock,dapat nilolock nya ito.

Pumasok at ang dilim sa loob,lumapit ako sa may kama.May nakita akong nakahiga doon,niluhod ko ang isa kong tuhod at inalis ang nakataklob na kumot don.

Nanlaki ang mata ko sa gulat,napaatras ako kaya nasagi ko yung lamp kaya nalaglag sya.

Naramdaman kong napabangon sya kaya dali dali akong gumapang papunta sa ilalim ng kama.Buti nalang may pusa don kaya hinagis ko don yung pusa para palabasing yung pusa yung nag tumba.

Nakita kong bumaba sya sa kama at kinuha yung pusa.

"aikaw talaga Dalia ang likot likot mo,natutulog na kaya ako."

"Meow,meow,meow."

"Tabi nalang tayo."

Ilang minuto akong naghintay don,nang makita kong tahimik na lumabas ako don at tinignan sya habang natutulog.

Napaluha ako dahil sya nga yung nawawala kong kapatid.Kinumperma ko yun,hinanap ko yung hugis puso nyang balat sa paa nya at nakita ko.

Sya nga yung nawawala kong kapatid,bakit?Bakit ka napunta dito?

Pinunasan ko yung luha ko,tinignan ko yung mga gamit nya at may nakita akong punit na picture.

Natatandaan ko yun,ako yung kasama ni Lita dito,nasa park kami nito at si Mom yung nag picture samin.

Kinuha ko yung picture ko na punit,nakita ko kasi yung picture ko na punit nong hinahanap ko si Lita sa playground.

Pinagdugtong ko yun at napaluha ako dahil nakahanap kona sya.

After 9 years nahanap din kita,kung saan saan ako nag punta mahanap kalang.

Hindi ko mapapatawad kung sino ang kumuha sayo.

Binalik kona ulit yung picture nya,kinuha ko yung picture ko at itinago.

Hinubad ko yung bracelet ko,may pangalan ko yun,Carmela Rhea ang nakalagay don.

Sinuot ko yun sa kanya,ewan ko ba kung bakit hindi ako sinaktan nong pusa nya,siguro nakita nyang kamukha ko tong si Lita.

Bago umalis,hinalikan ko sya sa noo at sinulyapan.

To be continued

Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon