CHAPTER 10

88 4 0
                                    

Dali dali akong bumangon dahil 4:00 na ng hapon,susunduin ka pa pala si Drake.

Inayos ko yung sarili ko at patakbong lumabas ng bahay.

"Oh nak,san punta mo?"tanong ni Mom

"Ahh mom may bibilhin lang ako bye."sabi ko

Pinaharurut kona yung motor ko at pagdating sa parking lot ng school ko hinintay si Drake,habang naghihintay nakita ko yung ibang students nakatingin sila sakin na para bang mananakit pako ng ibang tao.

Inaamin ko namang medyo tarantado ko pero hindi ko kayang pumatay.

"Diba sya yung may gusto sa nerd?"

"Oo, sayang ang ganda nya sana."

"hayaan mo na yan,malandi naman yan,nilandi nya nga si fafa Duke ko eh."

Anak ng!

Tinignan ko sila kaya natahimik sila at akmang aalis ng magsalita ako.

"Bakit?Sa tingin mo ba magkakagusto sayo yang 'fafa' Duke mo?"tanong ko

"Tara alis na tayo."sabi nong isa

Lumapit ako sa kanila kaya napa atras sila,dumadami narin yung mga nanonood ayokong maglaro hays.

"Eh wala pa nga kayo sa talampakan ng ganda ko."sabi ko

Umalis nako don at pumasok sa loob ng school,syempre pwede akong pumasok school ko rin naman to.

Habang naglalakad pinagtitinginan ako,syempre makakita ba naman sila ng maganda.

Pagdating ko sa room namin,aba nakita kong may lumalandi kay Drake,si Stella the vice president and the jollibee sa room namin, lumapit ako at sinaman sila ng tingin.

"Hey jollibee,makayapos ka ha,baka gusto mong mawala ng maaga,alis!"

"Palibhasa malandi."bulong nya

"Ako pa sabihan mong malandi?Eh ikaw nga tong makayapos dito sa ano ko."sabi ko

"Ano mo?"nakangising tanong nong isa

"Hays dyan kana nga,uuwi nako baka masapak ko pa yung jollibee nayun."sabi ko

Dali daling umalis,hindi ko pa pala pinapansin yung lima.

"Hoy mga bruha,akala ko ba babantayan nyo to?"sabay turo kay Drake

"Wag ka ngang possessive Rhea."asar ni Sasha

"Hindi ako possessive,bahala kayo dyan."inis kunwaring sabi ko at mag walkout sana ng pigilan ako ni Sasha

"Di ito naman joke lang."sabi ni Sasha

"Oh napadalaw ka?"tanong ni Maria

"Kami ba dinalaw mo?Miss mo kami no."sabi ni Kim

"Tang* hindi tayo namiss nyan,yan oh"sabi ni Rose sabay turo kay Drake

Natawa naman ako sa reaksyon nila,parang hindi nagkalove life.

"Hehehe hi."naiilang na sabi ni Drake

"Mga gaga,namiss ko din naman kayo no,kaso lang mas namiss ko tong lalaking to."sabi ko sabay akbay kay Drake

"Naks naman,sige ikaw na may lablayp."sabi ni Rose

"Talaga ako na,sige alis na kami."sabi ko

"Ghe alis na,nilalangam na kami dito eh."sabi ni Maria

"Ang kj mo Maria,reto kita gusto mo?"tanong ko

"Hays baka gusto mo batuhin kita ng libro dyan."

"Hahahahah sige bye bye."sabi ko

Hinila kona si Drake,habang palabas kami may bumangga sakin,babaeng nerd.

Damn! I'm Inlove With The Nerd [Badass Girls Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon