~Tin~
Napatigil ang panonood ko sa TV nang biglang may tumawag. Si Courtney lang pala iyon, I answered it quickly dahil baka magreklamo pa na hindi ko sinagot agad.
"Hey! How's the swimming?" Tanong niya.
"Fine, umitim nga ako eh." Sabi ko bigla siyang tumawa nang malakas. Hala siya, ano naman nakakatuwa roon?
"Pwede ba Tin, maitim ka talaga kaya huwag ka na magmayabang na umitim ka eh balat mo talaga yun." Sabi niya habang tumatawa. Takte, inaatake nanaman nito sa pagkalaitera niya.
"Fuck you, fyi lang ha, maputi ako kaya pwede ba Court, tumigil-tigil ka diyan." Sabi ko pero patuloy pa rin siyang tumatawa. Baliw talaga.
"Hindi ka titigil o ibaba ko 'to?" Pagbabala ko. Napatigil naman siya ng tawa.
"Galit ka na niyan?"
"Ewan ko sa'yo, by the way, musta meeting niyo? " Tanong ko.
"Fine, I guess? Bukod sa nakakastress, it's just an ordinary meeting."
"Oh, wala bang nangyayaring arrange meeting or what?"
"Atat na atat ikasal ako?"
"Hindi naman, I'm just curious pati I pity the guy na maikakasal sa'yo 'no kaya mas maigi na walang arrange marriage na nagaganap."
"Nagsalita ang babae na laging sunog magluto."
"Hoy excuse me, we live in the 21st century, hindi na requirement sa isang babae ang marunong magluto."
"Daming sinabi ni ate girl, wala naman akong sinasabi. I need to go, someone is calling me." Sabi niya sabay end ng tawag agad. Walanghiya, hindi man lang ako nakapagpaalam.
I opened my social media account nang chinat ako bigla ni Fae.
Fae: Tahimik mo yata kanina?
Tin: Got tired kaya ganun
Fae: Okaaaay, jogging tomorrow ha? Baka ma-late ka nanaman.
Tin: Harsh grabe ganiyan na ba tingin niyo sa akin?
Fae: Oo leche ka lagi mo kaming pinaghihintay.
Tin: Oo na po, hindi na po ma-l-late.Hindi na ako na-reply-an ni Fae after 'nun. Nakatulog na yata. I decided na matulog na rin para naman hindi nila sabihin na lagi akong late.
-------
"Wake up sleepyhead! Geez, ganito na lang ba lagi eksena." Paggising sa akin ng isang lalaki. Pagkamulat ko ng mata, si Tristan lang pala.
"Ate, hay nako! Kahit kailan talaga, kanina pa kita ginigising pati kanina ka pa nila hinihintay." Reklamo niya. Agad naman ako napabangon ng sinabi niya iyon.
"Ha? Anong oras na ba? Pati bakit ba late mo ako laging ginigising tapos ako pa sisisihin mo." Sabi ko tapos kumuha ng jogging pants at t-shirt.
"Aba matindi, ako pa talaga may kasalanan ngayon? Magbihis ka na nga lang." Sabi niya at padabog na sinara yung pinto. I just rolled my eyes dahil galit nanaman iyon.
After I dressed, lumabas ako ng kwarto and sumalubong sa akin si Courtney na nakangiti at halatang may meaning pa ngiti niya. Ano nanaman bang kalokohan ang nalaman nito?
"What?" Tanong ko.
''Nandito siya!" Sabi niya. Bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya. Sinong nandito?
"Huh? What are you talking about?" Tanong ko. Lumapit siya sa tenga ko tapos bumulong.
"Si Keith." Bulong niya tapos nanlaki ang mga mata ko. Wait, how did she know about him? Isa lang naman pinagsabihan ko ah.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...