Chapter 3: The Post

121 4 0
                                    

Tin's POV

" TIN GISING NA! HINDI KA PA KUMAKAIN NG LUNCH MO! " Sigaw ng isang babae.

" Opo! " Sigaw ko pabalik. Bumangon ako bigla kong natandaan may sprain ako.

" Ma tulong po! " Sigaw ko. Maya-maya pumunta si mama sa kwarto.

" Bakit? " Tanong niya.

" Umm ma may sprain po ako " Sabi ko

" Huh? Bakit!? " Tanong niya.

" Ah kasi po natapilok ako nung nagjogging! " Pagpapaliwanag ko.

" Ah, magpacheck up tayo mamaya! " Sabi niya.

" Sige po. Pakitulong lang po. " Sabi ko tapos tinulungan ako ni mama lumakad.

Sa hospital~

" Kailangan niya lang po ipahinga ang paa at hindi po talaga siya sprain. At ito po saklay para hindi na siya mahirapan maglakad. I-massage rin niyo po ito para gumaling. Mga 3-4 weeks po siya gagaling " Sabi ng doktor.

" Sige salamat po! " Sabi ni mama. Kinuha niya ang saklay at binigay sa akin. Hay nako malas! Kung kailan pa summer. 3-4 weeks pa!

" Ma C.R lang ako " Sabi ko tapos nagnod lang siya. Habang papunta ako sa C.R nakita ko si Keith na may kasama. Agad ako nagtago. Sino kaya yun? Bigla silang nagkiss. Si-sino yung kasama niya!? UGH I can't help it but I think i'm jealous! Baka gf niya! Dumiretso lang ako hindi ako magpapahalata.

" Tin? " Tawag ni Keith. Diretso ka lang Tin. Malapit na.

" Tin snob lang? " Tanong ni Keith habang nakahawak siya sa braso ko. Tinignan ko lang siya.

" Bakit ka nandito? " Tanong niya

" Nagpacheck up bakit!? " Mataray kong sabi.

" Umm who is she? " Tanong ng babae na kasama niya.

" Krissa this is Tin and Tin this is Krissa. " Pagpapakilala ni Keith sa amin.

" Tin Cypena " Sabi ko habang nakikipagshake hands sa kanya

" Krissa Macrina ang girlfriend ni Keith " Sabi niya. Kailangan niya talaga sabihin?

" Ah ok! " Sabi ko sabay alis. Kailangan niya talaga sabihin!? As if I care!

Pagkatapos ko magC.R dumiretso ako kay mama. Kainis! Bwiset!

Sa bahay~

" Kain ka na lang Tin aalis pa ako! " Sabi ni mama habang nag-aayos.

" Sige po ma! " Sabi ko.

" O sige! Bye " Pagpapaalam niya

" Bye po ma! Ingat. " Paalam ko at umalis na siya. Napag-isipan ko ibukas ang Facebook ko. Bigla akong may nakita na post. Cinlick ko ang video. What the f*ck!? Is that me and Keith!? Ito yung sa jogging!? The f*ck!? Vinideohan ni Patrick yun. Binasa ko yung comments.

Fae: Kahit kailan talaga Patrick! Kahit kailan!

Courtney: Hay nako Patrick! Gusto mo ata sila ipag-away!

Kimmie: Good job talaga Patrick! Pinahamak mo pa si Tin! Gusto mo ba mapag-away sina Krissa at Tin!? Lagot ka sa akin mamaya!

Pagkatapos ko basahin ang mga comments may gusto mag- add friend sa akin. Nakalagay Krissa Macrina. Nakita na niya! Bigla na lang ako chinat.

Krissa Macrina:
Didn't I said before na ako ang girlfriend ni Keith!? Bakit mo siya nilalandi!? Kung gusto mo nang away game ako!

Aba itong babae na toh ay sumusobra!

Tin Cypena:
Hindi ko nilalandi ang bf mo! FYI lang hindi ako malandi! Huwag mo ako ikumpara sayo na mas malandi pa!

Akala niya! Ako hindi papalag!?

*riiinngg* *rriinnngg*

Si Courtney.

" Hello? "

" Tin pwede ka lumabas? " Tanong niya.

" No because kailangan ko nga ipahinga ang paa ko. " Paliwanag ko

" Ay oo nga pala! Gusto mo punta na lang kami jan may sasabihin si Patrick eh!? " Sabi niya

" Sige! Para masapak ko! " Sabi ko

" Hahahaha sige! " Sabi niya at saka inend ang call.

Maya-maya nakadating sila.

" TIN!! " Sigaw ng isang babae pagkatingin ko si Fae kasama sina Courtney, Kimmie, Marie at lahat ng kaibigan ko. Lumabas ako at binuksan ang gate.

" All of you go inside. " Stricto kong sabi. Sumunod naman sila. Nang nasa bahay na sila nagsalita agad si Patrick.

" Sorry talaga Tin! Hindi ko naman sinasadya eh! Dinelete ko na yung post! Kaya sorry! " Sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

" Alam mo ba gusto ako sabunutan ni Krissa dahil sa ginawa mo! " Sabi ko

" Kaya nga sorry eh! Kaya napag-isipan ko na kayong lahat ay isama sa resort na pupuntahan namin dating magkaklase. Sinabi ko na sa kanila na sasama kayo! " Sabi niya.

" Talaga!? " Tanong ni Courtney.

" Oo! " Sabi niya

" Kailan? " Tanong ni Fae.

" Sa April 25 at uuwi tayo nang May 2. " Sabi niya

" Ang haba! " Sabi ni Marie.

" Ayaw niyo sumama? " Tanong ni Patrick

" Gusto! " Sabay-sabay naming lahat sinabi.

" Yun naman pala! " Sabi ni Patrick.

" Tamang-tama din dahil matagal pa! Mapapahinga ko yung paa ko. " Sabi ko.

Yehey! Another vacation!


A/N: So okay ba? Hahaha yun lang that's all! Hahaha! Bye!

Crush at First Sight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon