Tin's POV
Last day na! Uuwi na kami. Kainis naman maaga pa kami uuwi!
" Hoy Courtney! Kanina ka pa ganyan! Anong nangyayari sayo? " Tanong ni Fae.
" One word. Nakakahiya. " Sabi ni Courtney.
" Asus! Kinikilig naman siya! " Sabi ni Kimmie.
" Shattap! " Sabi ni Courtney sabay takip ng unan sa ulo niya. Tumawa lang kaming lahat. Biglang may kumatok.
" Pasok! " Sigaw ko. Pumasok si Patrick.
'' Bakit? '' Tanong ko
'' Hindi pa ba kayo magswi-swimming? Aalis na tayo ng 2? " Tanong niya.
" Sige susunod na lang kami. Salamat sa abala. " Sabi ko
" Okay " Sabi niya sabay alis.
" Bagay kayo. " Sabi ni Courtney.
" Baliw. " Sabi ko.
" Halika na! " Sabi ni Kimmie. Bumaba na kami para magswimming. Ang saya! Langoy dito langoy jan! Marunong na kasi ako eh.
" Guyyss breakfast is ready!! " Masayang sabi ni Courtney. Agad kami nagsipuntahan. Masasarap ang mga pagkain. May bacon, eggs, hotdog, sausage, fried rice at nuggets.
" Sino nagluto nito? " Tanong ni Jake.
" Ako at si Kimmie. " Sabi ni Courtney.
" Wow, pero masasarap ba toh? " Tanong ni Tristan.
" You'll never know it if you're not gonna give it a try. " Sabi ni Courtney. Umupo kami tapos sumubo si Patrick.
" Sarap! " Sabi niya. Kumain kami agad. Ang sarap nga!
" Alam niyo kayo na lang ang laging nagluluto para sa ating lahat. " Sabi ko.
" Eh ikaw Tin. Bakit hindi ka man magluto? " Tanong ni Kimmie. Biglang tumawa si Tristan muntikan na nga mabulunan.
" Nako baka mamatay ka pa ng maaga. " Sabi ni Tristan. Bigla silang tumawa. Namumula ako sa kahihiyan tae ka Tristan.
" Hahahahaha bakit? " Tanong ni Keith.
" Kasi one time nagvolunteer si Ate na magluto ng Adobo. Sabi niya na alam niya magluto pinabayaan naman nina mama at papa. Maya-maya muntikan na magkasunog! Buti na lang may fire extinguisher. " Pagpapaliwanag ni Tristan. Tumawa naman sila.
" Ano pa? " Tanong ni Patrick.
" Sige pag-usapan niyo ako na parang wala ako. " Sabi ko. Nakakainis na talaga.
" Nagluluto ng hotdog si Ate tapos sunog! Pag tinikman mo parang piling mo mamamatay ka na! " Sabi ni Tristan. Tawa naman sila ulit.
" Hahahahaha meron- " Pinutol ko ang sasabihin ni Jake dahil tumayo ako at umalis. Nakakaurat sila ayaw tumigil!
Keith's POV
Napatahimik kami nang nagwalk oit si Tin.
" Lagot tayo dito! " Sabi ni Fae.
" Ikaw kasi Kimmie nagpasimuno! " Pabiro na sabi ni Jake.
" Che! Pinagpatuloy niyo naman ang topic! " Sabi ni Kimmie tapos nag-away-away na.
" Guys stop! Wala tayong mahahatungan kung puro away tayo! " Sabi ni Courtney.
" Tama." Sabi ni Fae.
Tumayo ako bigla. Lahat sila nagulat. Pinuntahan ko si Tin. Nakita ko siya. Nasa Garden siya. Nagpapahinga.
" Ehem ehem " Sabi ko at agad siya napatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
Romanzi rosa / ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...
![Crush at First Sight [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/33188710-64-k752805.jpg)