Chapter 21: Blackmailer

82 3 0
                                        

Tin's POV

Monday nanaman! Ang bilis ng araw tapos na ang overnight naming sa bahay. Sana maulit, ang saya kasi lalo na si Earl. Hindi ko alam na may kabaklaan rin pala yun. Campus Prince pa naman at Cassanova.

Habang naglalakad ako sa hallway. Maraming nagbubulungan.

'' Siya daw yung nagditch ng class kasama si Keith! ''

'' Rinig ko nga na nagdate sila nung nagditch! ''

'' OMG NO WAY! ''

'' Baka siya yung dahilan kung bakit nagbreak sila ni Keith at Krissa! ''

'' She's such a slut! ''

'' Famewhore ''

'' Lastly BITCH! ''

Paano nila nalaman na nagditch kami ng class? Sino nagsabi? Pati isa pa hindi naman kami nagdate ah! Para sa akin date yun pero alam ko para sa kanya hindi. Pero sino nagsabi?

Binuksan ko ang locker ko. Biglang may nalaglag na picture.

WTH!? S-SINO NAGPICTURE SA AMIN TOH!?

Keith's POV

Labis kong ikinagulat sa nakita ko. Pagkabukas ko pa lang kasi ng locker may nalaglag na picture tapos pagkatingin ko sa picture. Nagulat ako dahil picture naming ito ni Tin naghalikan. Pero may umagaw ng atensyon ko. May sulat sa likod.

Dear Keith,

Hai! Nagulat ka ba sa nakita mo? Alam mo kasi bago kayo maghalikan siguraduhin niyo na walang nakatingin. Baka nga ito ang dahilan kung bakit nakipagbreak si Krissa sa iyo. Kawawa ka naman noh? Lalo na kung makikita toh ng buong campus! Hahahahaha! Don't worry I will not do that BUT may dalawang condition. First, AVOID TIN AND TREAT HER RUDELY! Lastly, MAHALIN MO AKO! Malalaman mo rin kung sino ako. Maliwanag na ba Keith? I consider this as a game. When you lose, masisira ang reputation mo sa school. Athlete ka pa naman! Kawawa ka naman. Pati isa pa madadamay rin ang grupo mo, I mean NATIN. Baka someone dies. And yes! Kilala mo ako. That's all! Let the game begin! I love you Keith! This psycho love you!

Sino toh!? Sino sa grupo naming ang may kagagawan nito!? Ang kapal ng mukha! Pero wala akong choice dahil baka madamay ang grupo ko. I need to avoid her. But how? Napakahirap!

Fae's POV

Lunch na. At si Renz bigay ng bigay ng chocolate. Itinatago ko nga kay Jetro baka kasi kainin. Toblerone kasi at Hershey! Mamaya baka agawin ito ni Jetro sa akin.

Pumunta na ako sa grupo ko tapos sinimulan kumain. Napansin ko na kanina pa kami tahimik. Si Keith at Tin hindi naman mapakali. Bakit kaya? Tapos sina Courtney at Earl hindi nag-aaway. Kain lang ng kain silang dalawa. Si Kimmie at Tristan masyadong cheesy. Yuck! Si Jake naman ayun badtrip ata! Si Marie biglang ngumingiti. Nababaliw na ata.

Pagkatapos ko kainin lunch ko kinuha ko na toblerone ko. Tinignan naman ako ni Jetro.

'' Saan yan galing? '' Tanong niya sabay turo sa chocolate ko habang kinakain ko ito.

'' Kay Renz. '' Maiksi kong sabi. Biglang inagaw nanaman sa akin ang chocolate.

'' U-uy! Akin yan! '' Sabi ko habang inaagaw sa kanya ang chocolate.

'' Sabihin mo kay Renz, thank you! '' Sabi niya tapos kinagat niya ito.

Sumusobra na siya! Ang sarap ng toblerone tapos aagawin niya! Niligpit ko ang lunch ko na padabog tapos nagwalkout. Ayoko na! Sumusobra na siya!

Crush at First Sight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon