Tin's POV
Kinausap ni Fae yung principal upang maka kanta ako.
Nagulat siya nung kakanta ulit ako kase matagal nilang hindi nila naririnig ang boses ko. Palibhasa hindi nila alam ang rason.
Tumigil ang music kaya naputol ang kasayahan ng tao. Sinenyasan ako ng principal na tuwang-tuwa.
Bago ako mag lakad nginitian ko muna si Dane tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
" My Princessss! Seryoso ka ba? Maririnig ko na ulit yung boses mo? " Niyakap-yakap pa 'ko ni Mr. Principal. Napa roledceyes na lang ako.
Nakita ko si Fae nasa likod. " Goodluck " She mouthed.
" I miss your voice na eh! " Kinurot pa 'ko sa pisngi ng pisti kong principal.
Tahimik lang yung mga tao sa paligid ko nag tataka.
May nakapwestong mic dun sa stage tapos may mga banda na din. Nagular ako ng ang Drummer ay si Patrick tapos sa guitar naman si Earl. Tapos sa bass naman si Raphael.
Courtney's POV
Tahimik. Walang nagtatangkang bumasag ng katahimikan sa gilid.
' Kakanta ulit siya? '
' Woah, Ang taggal niya ng di kumakanta ha. '
' Bat' kaya? '
She cleared her throat. " Hello po sa'inyo. Siguro po maraming nagtataka kung bakit tumigil ako sa pagkanta. " Ngumiti siya. " Well, secret na po yun. Hehe, Pero may nag request sa'akin na kumanta daw po ako..." Tumingin siya sa crowds.
Ako ba yung tinitignan niya? O namamalikmata lang ako?
Ngumiti siya. " Para sa' inyo 'to. "
Nanigas ako. Naramdaman kong hinawakan ni Marie ang kamay ko.
Tin's POV
Pagkatapos ng walang ka-kwenta-kwentang speech ko binulungan ko yung mga boys kung anong tutugtugin.
Nagulat nga sila kasi Tropa by Siakol.
Humarap ako sa mga tao atat na atat na marinig ulit ang boses ko.
Isang ngiti mula sa mga kaibigan ko.
Habang kumakanta ako nahagip ng paningin ko sila Courtney, Fae, Marie at Kimmie. Ngumiti ako at nagpatalon-talon na para bang sarili kong concert ito. Tinuro ko sila habang sila nag che-cheer. Puro tilian ewan ko ba kung dahil sa' akin o sa mga tumutugtog.
' KYAAAAAAH~! EARL ANG POGI POGI MO! '
' WAAAAHHHH RAPHAEL LIGAWAN MO 'KO PLEASE!! '
' PATRICK PEDROSAAA IS IT OKAY IF I CALL YOU MINE!? KYAAAAHHH~ '
' WOOOH! GO TIN! GO TIN! GO TIN! '
Lalo akong napangiti at ginanahan kumanta.
Tinignan ko ulit si Courtney na nag thumbs up tapos sila Fae na parang buang kung sumayaw.
Lumapit ako sa Drummer na si Patrick lumakas yung tilian tapos lalong lumakas nung kay Earl at Raphael.
Tinignan ko yung kapatid kong kontrabida. Napapailing na lang at mukhang natataranta sa pinaggagawa ko.
Nang matapos na kong kumanta. Ang ingay nila at nag ang saya-saya nila sa pagkanta ko.
Pero naramdaman kong kinakapos ako ng hininga at pilit kong hinahabol ito.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...
![Crush at First Sight [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/33188710-64-k752805.jpg)