Chapter 35: Welcome To Milan

61 1 0
                                    

Tin's POV

Nakasandal ako sa balikat ni Keith at sinusubukang matulog dahil mahaba pa ang oras papunta sa Milan pero hindi ko talaga masubukan dahil ang ingay nila Fae, Jake, Courtney, Earl, Patrick, Kimmy at Tristan.

" I'm hungry. " Sabi ni Kimmy.

" What food do you want babe? " Tanong naman ni Tristan.

" Anything as long as you're with me. " Wtf? Bumabanat ba si Kimmy?!

" Aww I love you. " Sabi naman ni Tristan sabay smack kay Kimmy.

" HINDI KO KAYANG TANGGAPIN NA MAWAWALA KA NA SA AKIN! NAPAKASAKIT NA MARINIG NA AYAW MO NA SA AKIN~ " Napafacepalm naman ako sa pagkanta ni Patrick.

" Kingina naman Patrick! Ang ingay mo! " Reklamo naman ni Jake dahil magkatabi lang sila ni Patrick. Pero mukhang walang narinig si Patrick at pinagpatuloy ang pagkanta.

" HAPDI AT KIROT! ANG DULOT SA 'KING DAMDAMIN! DI KO NA KAYANG MABUHAY SA MUNDO KUNG MAWAWALA KA SA PILING KO!~ " Kanta niya ulit. Mukhang napikon na si Jake kaya tumalikod siya para harapin si Marie na busy sa cellphone niya.

" Pahiram nga ng napakataas mong takong. " Bulong ni Jake sa kaniya. Napakunot naman ng noo si Marie pero binigay niya rin.

" KAHAPON- PUTANGINA! SINO YUN? " Sigaw ni Patrick tapos tinignan ng masama si Jake dahil pinukpok siya ng takong ni Marie.

Itinapat naman ni Jake yung takong ni Marie sa leeg ni Patrick.

" Isa pang kanta mo hindi na ako magdadalawang isip na isaksak ko 'tong takong sa leeg mo. " Sabi ni Jake. Napatawa naman ako ng kunti dahil sa inakto niya.
Napagulped naman si Patrick sa sinabi ni Jake. " Sabi ko nga na titigil na ako. " Sabi ni Patrick tapos nanahimik na sumandal sa upuan niya.

" Babe, tignan mo oh ang raming ulap. " Sabi ni Jetro tapos tumuro sa bintana.

" Alam ko, huwag mo akong gawing tanga. " Sabi ni Fae tapos binalik ang pagbabasa sa magazine.

" Ah-eh sinasabi ko lang naman babe. " Sabi niya. Tumaas naman kilay ni Fae. Mukhang meron ata toh ngayon.

" Bakit? Sabi ko bang sabihin mo? " Pataray na tanong ni Fae kaya napatikom na lang ng bibig si Jetro.

Napatingin naman ako sa side nila Courtney. " Hay nako! Ang tagal naman tong biyahe na ito! " Reklamo ni Earl.

" Pwede ba tumigil-tigil ka diyan sa pagrereklamo mo kundi itutulak kita sa eroplano. " Mataray na sabi ni Courtney.

" Chill lang! Alam mo naman maraming iiyak na babae kapag nawala ako kasi wala na silang makikitang kasinggwapo ko. " Pagmamayabang ni Earl.

" Pre, alam naman natin kung sino ang tunay na gwapo dito. " Singit ni Patrick.

" Hay nako! Hirap talagang maging gwapo. Ang raming umaako na sila iyon kahit hindi naman. " Pagpaparinig naman ni Jake.

" Sige guys mangarap pa kayo pero sana naman tanggapin niyo na ako talaga ang tunay na biniyayaan ng kagwapuhan. " Sabi naman ni Jetro. Syempre, hindi naman toh magpapahuli si Keith.

" Hay! Tanggapin niyo na kasi na nung nagpaulan ng kagwapuhan ang Diyos ako lahat ang sumalo. " Sabi naman ni Keith. Pucha naman tong mga lalaki na toh. Wala na talagang nagawang matino.

" Sige magjoke pa kayo at baka sakali maniwala kaming mga babae! " Naiinis na sabi ni Courtney kaya napatahimik naman silang mga lalaki.

" Tin, tulog ka na okay? Mahaba pa ang biyahe. " Sabi ni Keith. Bumuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata.

Crush at First Sight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon