Fae's POV
2 araw ng hindi nagigising si Tin at bukas ay araw na ng libing ni Krissa.
Naugalian nanamin bago pumasok at umuwi sa school ay dadalaw kami.
*knock knock*
" Naku! Nakaka-awa naman si Baby Tristan ko. " Nag-aalalang sabi ni Kimmie.
Nag kibit balikat na lang kami.
" Pasok. " Rinig kong boses ni Tita Winnie.
Pumasok kami sa private room ni Tin.
" Tita? Kelan pa po kayo naka-uwi? " Tanong ni Courtney.
" Kanina lang. " Malungkot niyang sabi. " Pinauwi agad ako ng magulang mo ng nalaman ang nangyari. "
Nakita ko so Tristan na naka higa natutulog sa sofa.
" Hija... " Nakangiti na si Tita ng tinawag niya si Kimmie.
Tinignan kami ni Kimmie ng kinakabahan. Lumapit si Kimmie kay Tita.
" P-po? "
" Haha, Huwag ka ng matakot. Hmm, Salamatt sa pag-aalaga kay Tristan ha? Habang binabantayan niyo si Tin. " Tinignan kami ni Tita at ngumiti. " Gusto kita para sa anak ko. "
" T-thank you po. " Niyakap ni Kimmie si Tita.
" Tita, Kumusta na po si Tin? " Tanong ni Courtney sabay upo sa kabilang sofa.
" Ayun, tulog pa din. "
" Ahh, Tita, Yung mga boys po di makakapunta. Si Patrick may practice sa basketball ganun rin po si Keith. Si Raphael may photoshoot pa. Si Jake kasama sa practice nila Pat. Si Earl, lumalandi. " Sabi ni Courtney.
Tila naguluhan si Tita sa sinabi ni Courtney. " Anong ginagawa ni Earl? "
" Ahh, ehhh, May after class club po. "
" Ahh, ganun ba? Sayang naman. "
" Pero Tita, pinapadala po ng mga boys. " Lumapit si Marie sa sidetable tapos pinatong yung mga prutas.
" Salamat, Marie. "
Ngumiti lang si Marie at tumabi kay Courtney kaya umupo na rin ako sa tabi niya. Si Kimmie kasi sobrang alalang-alala kay Tristan.
" Long time no see, mga Hija... " Sabi ni Tita. " Balita ko Fae kayo na ni Jetro. "
" Uh-opo. Ang kulit kasi eh. " Alanganin kong sabi.
" Grabe talaga si Kuya ma-inlove. " Natatawang sabi ni Marie. " Lakas ng tama nun sa' yo eh. "
" Eh ikaw Marie? Wala parin bang laman yang puso mo? " Wow ha! Maka hot-seat si Tita wagas!
" Naku, naku Tita, Hehehe... Wala pa po. " Tanggi ni Marie.
" Wew. Palibhasa masyadong busy sa mga boylets na di naman sineseryoso. " Pabulong ni Courtney pero narinig naming lahat.
" Nagsalita ang walang lovelife! " Sabi naman ni Marie. Napa facepalm na lang ako sa kakulitan nila.
" Kase study first love later! Hmmmp. " Nag pout si Courtney kaya naman tinakpan ko yung bunganga niya.
" Ingay. " Reklamo ni Kimmie. " Magigising ang baby Tristan ko. " Nag pout siya.
" Magkakaibigan nga kayo hilig niyong mag-pout. " Natatawang sabi ni Tita Winnie.
" Hay naku Tita, Sila lang yun. " Sabi ko.
Binatukan naman ako ni Marie.
" Aray naman! Maka-batok ah! "
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...