Tin's POV
Napabuntong hininga ako nang naiisip ko ulit ang nangyari kanina. Nag-away kami ni Patrick. Hayy, ngayon ko lang iyon naranasan. " Hayyy. " Nakakastress naman ito, nasa Milan kami pero stress naman ako. " Hayy. " Napabuntong hininga ulit ako. Hindi ko alam kung ilang beses na ako napabuntong hininga.
Pero kasalanan ko ba kung stress na stress ako? " Hayy. " At alam niyo na, I sighed again. " Hayy. " Hindi ko talaga mapigilan. Shet. " Hay- ARAY! " Hindi pa ako tapos bumuntong hininga bigla pa namang may bumato pa naman ng unan sa akin.
Tinignan ko kung sino iyon, si Courtney pala. Hindi ko pa namalayan na pumasok pala siya.
Tinignan ko siya ng masama tapos tinaasan niya naman ako ng kilay. " Alam mo kung hindi kita kilala, aakalain kitang baliw. " Sabi niya. Tinignan ko lang siya ulit tapos bumuntong hininga muli. " Hayy. "
Bigla ba naman ako binato ng unan ulit. " Ano ba?! " Galit kong sabi kay Courtney. " Nababaliw ka na ba?! Tumigil-tigil ka diyan. Nakakastress ka tignan pati beauty ko naii-stress. " Sabi niya.
This time ako naman ang tumaas ng kilay. " Heh! Letche ka lumalaki ulo mo. " Sabi ko.
Umupo siya sa kama ko kaya umupo rin ako tapos tinignan niya ako ng seryoso. Sht ang creepy kaya ayoko siya nagiging seryoso. Mas lalo na kapag galit nakakatakot rin toh.
" Ano ba kasing problema? Pansin nga namin kanina na si Patrick ang tahimik nung bumalik siya sa swimming pool. " Sabi niya.
" Nag-away kasi kami. " Sabi ko tapos yumuko. Nagulat naman siya.
" T-teka! B-Bakit naman? " Tanong niya. " Diba alam mo naman yung tungkol sa nambablackmail sa akin? " I asked. Tumango naman siya. " It's all because of that stupid blackmailer. " Sabi ko. Nagulat naman siya.
" Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya tumitigil? " Tanong niya. Umiling ako.
" Bogarts, kakasabi ko lang diba? " Sabi ko. May pagkatanga rin toh si Courtney kakasabi nga lang.
" Sorry na, maganda lang! " Sabi niya. I rolled my eyes. Lumalaki nanaman ulo nito.
" So ayun nga, may kinalaman kasi siya. Kilala niya kung sino ito. I tried asking him but he don't want to say it. " Kwento ko. Nanlaki mata niya.
" Oh my gosh! No way! He knows kung sino ang namblackmail sa'yo?! That is so nakakagulat. " Binatukan ko naman siya sa inakto niya.
" Kelan ka pa naging conyo ha? " Tanong ko.
" Sorry na! So as you were saying may kinalaman siya kaya nag-away kayo? " Tanong niya. Tumango ako at kinuha ang unan na nasa kama ko tapos niyakap ito ng mahigpit.
" Pero nagbigay ba siya ng rason kung bakit ayaw niya sabihin? " Tanong niya. Tumango naman ako.
" Oo, sabi niya na iniisip niya lang daw ang kapakanan ko at sinabihan rin daw siya ng gagang blackmailer na tumahimik. " Mahabang explanation ko.
" Ayun naman pala eh. Bakit pa kayo nag-away?! " Tanong niya.
" Ayaw ko muna siya pagkatiwalaan o maging kaibigan. Traydor rin kasi siya, ayaw niya sabihin. Kung tunay ko siyang kaibigan dapat sasabihin niya. " Sabi ko. Totoo naman eh. Alam naman niya na delikado na ang buhay ko, naisipan niya pa na huwag niyang sabihin.
" Traydor?! Tanga ka ba Tin ha! Diba nga sabi niya iniisip niya ang kapakanan mo! " Sabi niya. Aray ha, natanga pa ako.
" Eh kasi nga- "
" Tin! Alam mo ba ang sinasabi mo? Sa dinami-dami ng taon na pinagsama niyo ni Patrick, sa patingin mo gagawin niya iyon? Kaya lang naman hindi niya sinabi iyon kasi nga iniisip niya nga ang kapakanan mo. Malay mo sinabihan siya ng putanginang blackmailer iyan na dapat huwag niya sabihin kundi papatayin ka niya! " Mahabang explanation niya.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...