Tin's POV
Ang lamig ng hangin. Hinahangin yung hibla ng buhok ko kaya inipit ko yun sa likod ng tenga ko.
Hindi ako makapaniwala na nangyari 'to sa kaniya masyado pa siyang bata para mawala sa mundong 'to.
Iniwan ako nila Courtney dito dahil gusto kong mapag-isa.
" Nakakahinayang Krissa...kung kelan nagkasundo na tayo dun ka pa nawala. " Ayan nanaman ang makulit kong luha tuloy-tuloy lumabas. " Pasensya ka na kung hindi ko matutupad na maalagaan ko si Keith. "
Nilapag ko yung stargazer. Napagkaaalaman ko kasi yun yung paborito niyang bulaklak.
" Siguro kung andito ka pa pinaliguan mo ng madaming kutos si Keith. Gago kasi siya eh, pinagpustahan ako. " Natatawa na lang ako sa katangahan ko. " Pero, Krissa... Ang tanga ko lang...kasi kung hindi ako nahimatay hindi ka mamatay. "
" Hija... " Halos mapatalon ako dahil may nagsalita sa likudan ko.
Paglingon ko nakatingin din siya sa puntod ni Krissa.
Siguro nanay 'to ni Krissa dahil kahawig na kahawig eh.
Umupo siya sa damuhan kaya umupo na din ako.
" Isa ka ba sa malapit na kaibigan ni Krissa? " Namumugto parin yung mata niya pero ngayon nakangiti na siya.
Hinawakan ko yung lapida niya. " Opo, "
" Paano kayo nagkakilala? " Nakangiti pa din siya pero bakas sa mukha niya ang lungkot.
Napabuntong hininga ako. " Nung una po kaming mag kakilala lagi niya po akong binubully. "
Nabigla ata yung nanay niya pero di siya nag salita para ituloy yung sasabihin ko.
" Dahil lagi po siyang nagseselos kay Keith. Hanggang sa mag break sila pinaubaya niya sa' akin si Keith. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. " Pagpapatuloy ko habang nakangiti dahil natatandaan ko ang pagtatanggol sa akin ni Krissa.
" Alam mo po, ang bait-bait po ni Krissa. Masarap siya makasama. Masayahin, madaldal at higit pa hindi plastik. " Pagkukwento ko. Bigla kong namalayan na pumatak ang luha ko. Agad ko naman ito pinunasan gamit ang kamay.
" Mamimiss ko ang boses niya, ang tawa niya, ang ugali niya. " Sabi ko tapos tinignan ang lapida ni Krissa tapos hinawakan. Bigla na lang hinawakan ng nanay ni Krissa ang balikat ko.
" Hija, alam ko mahirap tanggapin ang katotohanan na patay na si Krissa. Ako nga rin nahihirapan pero dapat kailangan natin tanggapin dahil ito ang gusto ng Diyos. "
.
Keith's POV
" Bakit ka nandito!? " Galit na tanong ni Fae. Kasalukuyan ako na nasa labas sa aming magkakaibigang bahay.
" Wala kasi si Tin sa bahay kaya tatanungin ko sana kung nandito siya. " Sabi ko.
" Wala. Wala siya dito. " Sabi ni Fae sabay sarado ng pinto. Napaupo na lang ako. Tanga mo kasi Keith! Bakit mo kasi tinanggap yung bet!?
Naagaw ang aking atensyon nang nakita ko sina Courtney at Earl na nagtatawanan.
" Hahahahaha!! Oo, natatandaan ko pa si Arnold! Hahahahaha! pala tae pa nga yun eh! " Sabi ni Courtney. Napatigil sila nang nakita nila ako.
" Bakit ka nandito? " Tanong ni Earl.
" Hinahanap ko si Tin. " Sabi ko. Gusto naman mag-sorry eh.
" Bakit mo hahanapin? Pagkatapos mo siya sinaktan. Pwes, magdusa ka jan sa kinauupuan mo. " Sabi ni Earl tapos pumasok agad. Nakatingin pa rin sa akin si Courtney. Masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...