Tin's POV
" Huwag mo ako kausapin. Kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin. "
1 week na ang nakalipas mula nang sinabi ko yun sa kanya. 5 days na lang kami magstay dito. Nakakainis talaga!!!! Kalalaking tao nilalandi ako.
" Oh ilang weeks pa ba kayo kailangan matauhan!? Hindi kayo kumakain right in time! " Sermon sa amin ni Courtney. Parang nanay na nga namin. Wagas makasermon.
" K. " Tanging sabi ni Fae tapos humiga.
" Uyy halina kain na tayo! " Sabi ni Marie.
" Wala kaming gana ni Fae. " Sabi ko sabay higa. Pareho kasi kami ni Fae namromroblema. Nakakainis lang talaga.
" Bili na lang ako ng pagkain. Take out. Sandali lang naman ako. " Sabi ni Courtney.
" Sige! Balik ka agad. Nagugutom na kami. " Sabi ni Kimmie.
" K. " Sabi ni Courtney tapos umalis.
Bigla akong nakareceive ng message.
From: Keith
Hindi ko kaya kalimutan ang pagkakaibigan natin.
Binato ko phone ko. Naiinis ako!
" Uyy Tin sayang phone! " Sabi ni Marie.
" Wala akong pake. " Pagtataray ko.
Fae's POV
Shems naman! Ano bang pumasok sa kokote ko at hindi ko siya sinabihan ng " Mahal rin kita."
Ilang araw na rin akong nanaginip sa nangyari. Yung nasa duyan ako.
Aaaaarrgh! Jetro nakakainis ka na! Umalis ka na sa utak ko.
" Baka masira naman yung unan Fae sa kakagat mo. " Napa smirk na lang si Marie.
" Heh! Bakit ganiyan yung kaptid mo!? Siraulo. " Nakakaurat eh!
She smirk again. " Nasisira ng ulo dahil sayo. " Tapos tumawa sila.
" Shut up! Pareho talaga kayo ng Kuya mo, bolero. " Tapos binato ko siya ng unan pero na ilag siya kaya naman si Tin ang natamaan.
Pero no reaction lang siya nag da-daydream kasi.
" Tin! Huy! " Winiwave ni Kimmie yung kamay niya sa mukha ni Tin pero no reaction pa din.
Sinampal naman ni Marie si Tin. " Ano ba!? Bat ka ba nanampal!? " Galit na tanong niya.
Nagsitawanan lang kami. " Wala ka kasi sa sarili eh, Uyyyyy! Iniisip niya yung yakap ni Patrick. " Pang-aasar ko.
" Eeewww yuck kaderder. Hindi yun noh'! Nauurat lang ako sa mga boys. " Deny pa more Tin.
" Sus! If I know lang kilig na kilig ka! " Pang-aasar ko. Napansin ko na biglang nawala ang problema ko. Thanks sa mga baliw kong kaibigan.
Courtney's POV
Babalik na ako sa room namin. Bumili ako ng pagkain. Habang papunta ako sa room. Nakita ko si Earl na may kasamang babae nakaakbay pa! Paki ko? UGH!!! Bakit ba nagagalit ako!?
Biglang lumapit sila sa akin.
" Yo Courtney! " Sabi ni Earl.
" Babe sino siya!? " Nakakairita boses niya! Babe babe pang nalalaman!" Buti nakahanap ka na ng kausap! " I said sarcastically. Aalis na sana ako bigla niya akong hinawakan sa braso. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
" Anong trip mo!? "
" Babe! "
" Babe mo mukha mo. Hindi kita kilala. Para kang linta! " Sabi ni Earl. Bigla siya humiwalay sa babae tapos nilapitan ako.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...