Tin's POV
" ARAY! Ang sakit ah! " Reklamo ko.
" Hahahaha ikaw kasi eh! Pati isa pa maka-emote ka parang hindi pa magaling ang paa mo! " Sabi ni Courtney.
" TIN ANDITO NA MGA KAIBIGAN MO! " Sigaw ni manang.
" OPO MANANG! BABABA NA KAMI " Sigaw pabalik ni Courtney.
" Oy! Agaw linya ka! Ikaw ba si Tin? " Tanong ko
" Eh ang tagal mo magsalita! " Sabi niya.
" Ewan ko sayo! Alis! " Sabi ko at agad naman siya umalis dahil dinadaganan niya ako. Tumayo kami at kinuha ko na ang bags ko. Yup! Ngayon na ang alis namin! Kaso dadaan kami sa Airport dahil dadating ang kuya ni Raphael na si Neil Cristsomo. Gusto ko nga siya makita kung nagbago ba talaga siya dahil dati mukha niya parang kalyeng bata!
" Hoy tagal niyo bumaba! " Pagrereklamo ni Fae
" Si Tin! " Turo ni Courtney sa akin.
" Excuse me! I'm so innocent! " Sabi ko.
" Wews. " Sabi ni Courtney.
" Tigil na nga! Nasaan na ang bags niyo? Ilagay niyo na sa kotse! " Sabi ni Raphael.
" K. " Tanging sinabi ni Courtney at kinuha ang bags.
" Manang aalis na po kami. Babalik po kami sa May 2 " Sabi ko kay manang.
" Sige Tin mag-ingat ka! " Sabi ni Manang. Then hinalikan ko siya sa cheecks.
" Bye po manang! " Pagpaalam ko sa kanya.
" Bye Tin! Ingat! " Paalam ni Manang at lumabas na ako. Nasa harapan si Courtney tapos nagdadrive naman si Raphael. Nasa likod kami ni Fae, Kimmie at Marie tapos meron pa isang harap at andun yung mga boys then sa likod yung iba. Hindi nakabukas ang aircon ng van, hindi ko alam kung bakit pero nakabukas yung bintana. Kaya ang saya.
Dumiretso kami sa Airport. After nun andun na si Neil. Agad namin siya yinakap.
" Wooh! Gwapo na niya! " Sabi ni Courtney.
" Oo nga! " Sabi ni Fae.
" Where is Diana? " Tanong niya. Well si Diana at Neil may something dati kaso iniwanan ni Neil si Diana kaya ayun nagkagulo ang relationship nila! Si Diana ang kapatid ni Fae full name niya ay Diana de Guzman
" Snob. " Sagot ni Courtney.
" Nasa Resort na! " Sabi ni Fae
" Edi punta na tayo! " Sabi ni Neil.
Dumiretso kami sa resort. Magkahiwalay ng room ang babae at lalaki. Pero magkatabi lang ang room namin.
Nilagay na namin ang mga gamit doon.
" Hay nako! Bakit pa kasi kasali yung mga kaklase ni Patrick!? " Pagrereklamo ni Courtney
" Reunion kaya nila toh Courtney! Mahiya naman tayo eh hindi naman talaga para sa atin toh! " Sabi ni Kimmie.
" Eh dapat nga sila mahiya dahil si Neil na mismo ang nagbayad lahat nito! " Sabi ni Courtney. Si Neil na ang nagbayad treat daw niya sa amin.
" Hay nako Courtney huwag ka nalang magreklamo dahil dapat masaya tayo! " Sabi ko.
" Sa bagay... Aksjdjfbfndm " She murmured
" Ha!? " Tanong ko.
" Wala! " Sabi niya.
" By the way pala! Andito ba si Keith? " Tanong ni Fae.
" Oo " Nahihiya kong sabi.
" Si Krissa? " Tanong ni Marie.
" Wala ata. " Sabi ni Kimmie.
" Ahh ok. " Sabi ni Fae.
" HOY MGA BABAE! BABA NA! KAILANGAN NIYO MAKILALA MGA KAKLASE KO! " Sigaw ni Patrick sa labas ng kwarto.
Bumaba kami tapos pumunta sa isang kubo. Andun silang lahat.
Courtney's POV
Bwiset! Bakit ko ba naalala siya!? Wala naman siya dito! Nag-aalala kasi ako baka andito yung kaklase ko dati, ang bully sa akin. Si Earl Williams! Mahilig kasi siya maghang out kila Patrick at sa mga kaklase niya.
" Okay! I want you to meet my classmates. " Sabi ni Patrick. Sinabi niya lahat ng pangalan ng kaklase niya.
" Courtney this is Earl, Earl this is Courtney. " Pagpapakilala ni Patrick sa aming dalawa. Anung balak nito? Siya talaga ang gusto niya ipakilala sa akin? Hmmm Earl pangalan? Please sana wag siya.
" Umm sandali lang pamilyar ka. " Sabi ni Earl. Bigla akong nagulat.
" Umm nag-aral ka ba nung elementary sa ' Lopez College '? " Kinakabahan kong tanong.
" Oo " Sabi niya. Ay! Siya nga! Siya nga si Earl Williams! Ang bully sa akin! Bwiset! Bakit siya andito!!??
" Earl Williams? " Mataray kong tanong
" Yup! Courtney Hernandez? " Tanong niya.
" At oo! I can't believe magkikita ulit tayo! " Sabi ko. Tumawa lang siya.
" Magkakilala pala kayo! " Sabi ni Patrick.
" Sandali! Bakit siya kasama dito eh hindi mo naman siya kaklase!? " Tanong ko.
" Ka-close ko siya eh gusto niya rin makasama! " Pag-eexplain niya. Nag eye roll lang ako.
" Kahit kailan talaga! Napaka FC! " I murmured.
Ilang minuto kami andun. Then after a while swimming na rin! Dumiretso ako sa C.R at nagshower. Nakabikini ako. After magshower dumiretso ako sa gilid ng swimming pool. Hindi pa ako handa bigla akong tinulak. Sino yung kupal na yon!? Pagkatingin ko si Earl. Tumawa siya ng malakas tapos umupo siya.
" Hahahaha! " Psh! Nakakainis. I grabbed his arm then pulled it at agad siya nahulog sa swimming pool.
" Buti nga! " Sabi ko.
" Ikaw! '' Sabi ni Earl.
" Ako nga! " Pamimilosopo ko.
" Lagot ka sa akin! " Sabi niya.
" Wow ha! Ako pa talaga!? " Sabi ko tapos bigla niya na lang ako hinila.
Tin's POV
Parang mga bata lang sina Earl at Courtney. Nakakatuwa.
" Tin? " Tawag ng isang lalaki. Pagkalingon ko si Keith.
" Bakit? " Tanong ko
" Sorry '' Sabi niya.
" Sorry saan? " Mataray kong tanong.
" Dahil chinat ka ni Krissa na malandi ka. " Sabi niya. Paksh*t alam niya yun!? Nakakahiya!
" Ahh... Ako nga dapat magsorry dahil sinabihan ko rin siya ng ma...lan..di " Sabi ko at hindi siya umimik. Gusto ko sabihan siya ng layuan niya ako baka kasi lumala pa tong away na toh. Bwiset ka kasi Patrick!
" Keith... Pwede layuan mo ako? " Tanong ko sa kanya.
" Tin... Ba-bakit? " Tanong niya.
" A-yoko lumala ang away na toh! " Sabi ko.
" Pero Tin! Gusto ko makipagkaibigan sa inyo. " Sabi niya.
" Makipagkaibigan ka sa iba huwag sa akin dahil magseselos lang si Krissa dahil sa akin! " Sabi ko at umalis. Hindi ko toh makayanan. Kainis naman kasi!
A/N: Heyy sorry kung matagal ang update! So dito na magsisimula ang mga love story nila! Abangan sa next chapter!
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...