》》SCHOOL《《
Tin's POV
"Huy! Kwento ka naman diyan!" Tsk. Kanina pa ako kinukulit ni Marie tunkol sa kuya ni Krissa.
"Haayyy nako, May boyfriend na pero ganiyan paring magtatatanong sa Kuya ni Krissa." Napahinto ako. Si Marie may boyfriend? WEH!?
"Dapat pala ako ang nangiintriga! So, who's the lucky guy hah?" Nakapameywang ako. Naglalakad kami sacorridor papuntang classroom. Yung boys? Iniwan namin, maaga kasi kami pumasok.
"Si Renzzzzzzz~"Pakantang sabi ni Kimmie.
"HOY! Saan mo naman nahukay yang tsismis na yan, Kimmie?" Mataray na tanong ni Fae.
"Kay Courtney." Kimmie murmured.
"Diba ang nililigawan ni Renz, si Fae? Diba!? Diba!?" Sabi ko.
"Err, wala na daw kasi siyang pag-asa HAHAHAHA!!" Umalingawngaw yung tawa ni Courtney sa boung corridor buti wala pang masyadong tao.
"At tsaka gusto niya ata challenging ang liligawan" Dagdag pa ni Fae.
"Tapos panget."Dagdag pa ni Kimmie.
Napailing na lang ako. Ang ingay nila grabe.
"HA-HA-HA tama bang pag-usapan kami ng boyfriend ko sa harapan ko?" Marie said in a sarcastic tone.
Nakatanggap tuloy sila ng batok. Naku, buti na lang di ako nakisali kasi baka mabatukan ako.
"MS.President tawag po kayo sa Office." Napalingon ako kay Andrew. Ngumiti siya saakin kaya nginitian ko din.
"Ayos ka na?" Tanong niya.
"Saan? Sa pagkamatay ni Krissa? Oo. Sa sakit ko? Oo din." Tinalikudan ko siya at naglakad na papuntang classroom. Halata naman diba? Pero di ko parin maiwasan na malunkot.
"Sinasabi niya lang na OK siya pero deep inside hindi." Rinig kong sabi ni Kimmie.
***
Honestly, wala akong naiintindihan sa physics kaya dahil kanina pa sumasagi sa utak ko kung sino ang pumatay kay Krissa.
Nakakainis kasi baka hindi namin kaibigan at sinasabi niya lang na kaibigan ko siya para lumayo ako.
Baka kay Krissa lang siya galit kaya dinadamay niya ko pero paano niya nalaman yung date namin ni Keith!?
Ang hirap hirap hirap. Lalaki siya o babae? Kung gusto niya si Keith edi isaksak niya sa baga niya! Leche. Eh bakit kailangan pa nila humantong na nakapatay na siya ng tao.
Isama mo pa yung sinabi ni Earl na firstlove ni Courtney ay siya.
"Huy! Iniisip mo nanaman si Keith noh?" Nakabalik na din ako sa realidad.
"Manahimik ka nga dyan Courtney! Ipakain ko kaya sayo itong papel?" Inirapan nanaman niya ko at umupo.
"Ang tagal mag lunch" Courtney murmured.
"Patay gutom." Bulong ni Earl. Kaya napatayo naman si Courtney sa upuan niya at naglakad papuntang likod ni Earl, sinipa niya yung paanan ni ng upuan ni Earl kaya sumubsob siya sa sahig.
Ang daming matatalim na tumingin kay Courtney. Grabe sinubsob niya yung "Campus Prince".
"What the fuck!?" Kung nakakamatay yung tingin ni Earl kay Courtney siguro pinaglalamayan nanamin siya.
Flips hair. Raised eyebrow."Serves you right! HAHAHAHAHA!"
"Okay ka lang?" Biglang lumapit yung echoserang kaklase namin na retokada feeling maganda.
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
ChickLitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...