Chapter 8: Overnight

96 4 0
                                    

Tin's POV

   Ilang weeks na ang nakalipas. Next week na ang pasok namin.Nakakatamad tae!! Ang bilis kasi ng araw. Kaya napag-isipan namin magovernight sa bahay namin. Yupp may bahay kami. Actually ang laki nga eh. Nagambag-ambagan kaming magkakaibigan. Syempre kasama ang supportive naming parents. May sari-sarili kaming kwarto. Si Earl at Keith may kwarto na rin. Since na kakalipat lang nila sa street namin last week.

Ngayon nandito sina Courtney at Fae sa kwarto ng bahay ko. Hinihintay namin yung iba naming kaibigan.

" Ano ba yan! Pasukan na next week! Ang bilis ng araw! Nakakatamad!! " Sabi ni Courtney tapos humiga sa sahig.

" Ang ingay mo Courtney tapos batugan ka pa! " Sabi ko kahit agree naman ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

" Ako pa ang nasabihan na batugan! Sino kaya dito ang laging nakakafail sa History at Math kahit ang dali-dali naman!? " Sabi niya na halatang pinaparinggan ako dahil lagi ako nakakafail. Take note lang po ang hirap kaya!

" FYI lang ha! Ang hirap kaya! " Sabi ko tapos tumawa siya. Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya.

" Bakit ka tumatawa? " Tanong ko na nakataas pa rin ang kilay.

" Hahahaha natamaan ka kasi agad. Sino ngayon ang batugan? " Tanong niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinisil ko ang cheecks niya.

" Ang cute-cute mo talaga. " Sabi ko. Halatang nasasaktan siya kaya napatawa ako. Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at agad inalis.

" No one do that to me! " Sabi niya tapos dinaganan niya ako. Infairness bumigat siya kahit ang payat.

" Ang sakit Courtney! Alis! " Pagrereklamo ko pero nanatiling bingi siya dahil tawa lang siya ng tawa.

" Oy sama ako!! " Sabi ni Fae sabay dinaganan si Courtney na nakadagan sa akin. Mas lalo pang sumakit. Mukha tuloy kaming sandwich.

" Ouch! Mukha tuloy tayong sandwich! " Sabi ko pero nanatiling bingi pa rin sila. Bingi ata ang mga kasama ko!

" Let's take a selfie! " Sabi ni Fae tapos itinaas niya ang phone niya para makita ako at Courtney sa camera. Ngumiti kami pero sa akin ay pilit.

Binaba na ni Fae ang phone niya bigla siyang tumawa.

" Bakit? " Tanong ni Courtney.

" Hahahahaha tignan mo si Tin. " Sabi ni Fae. Pinakita niya sa amin. Biglang tumawa si Courtney. Mukha kasi akong natatae. Grabe nakakahiya.

Maya-maya tumigil na sila pero nakadagan pa rin sila sa akin.

" Tapos na? " Tanong ko. Nagnod sila.
" TIN BABA NA ANDITO NA MGA KAIBIGAN MO! " Sigaw ni manang mula sa ibaba.

" OPO MANANG! " Agad kong sagot baka kasi sumagot si Courtney.

" Alis! " Sabi ko at agad naman silang umalis.

  Bumaba kami at halatang nagulat ang mga kaibigan ko dahil sabog-sabog buhok namin.

" Anong nangyari sa inyong tatlo? " Tanong ni Diana.

" Si Tin. " Sabay na sabi nina Fae at Courtney tapos nakaturo pa ang daliri nila sa akin.

" Ge lang ako nanaman! " Sabi ko tapos tumawa sila.

" Halina pumunta na tayo sa bahay! " Sabi ni Raphael. Kinuha ko ang bag ko pati rin sina Courtney at Fae.

Ilang minuto ang nakalipas~

Pumasok kami sa bahay. Maalikabok. Ilang months kasi namin ito hindi binisita.

" *cough* *cough* Maglinis na tayo! " Sabi ko.

Crush at First Sight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon