Chapter 14: Sorry

73 4 2
                                    

Tin's POV

" Gising na magsnorkeling pa tayo! '' Sigaw ng isang babae. Minulat ko ang mga mata ko. Sabi na nga ba eh. Si Courtney.

" Shems naman! Ang aga pa! " Sabi ko.

" Kailan pa naging maaga ang 12 nn? " Tanong niya habang naka pameywang. Agad naman ako nagising. Tinignan ko ang orasan. 9 palang.

" Hahahahahahaha! Naloko kita " Tawa niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Nagising naman ang mga iba.

" Ano bayan Courtney!? Ang ingay!!! " Sabi nina Kimmie at Marie. Tinignan ko naman si Fae. Ayun nakatulala kinikilig.

" Huy Fae! Anyare sayo!? " Tanong ko then I waved my hand to her. Bigla siyang natauhan.

" H-ha!? " Gulat na tanong niya.

" Sabihin mo nga may nangyari ba kagabi? " Tanong ko. Agad naman nagsilapitan yung tatlo sa amin. Ngumiti si Fae.

" May nangyari kagabi. " Sabi ni Fae. Biglang nagulat si Courtney at Kimmie.

" A-ANO!? " - Kimmie

" SINO!? SINO!? ANG MAY KAKAGAWAN SAYO NUN!? " - Courtney

" Kawawa ka naman. " Sabi ni Kimmie sabay yakap kay Fae.

" Kahit hindi ka na virgin. Kaibigan ka pa rin namin. " Sabi ni Courtney. Biglang binatukan ni Fae silang dalawa.

" Gaga walang nangyari na ganun! " Sabi ni Fae. Hinimas-himas naman nila ulo nila. Minsan nakakapagtaka paano naging 1st si Courtney sa school? Ang slow niya kaya!

Fae's POV

Mga gaga talaga tong mga toh. Kung anong pinag-iisip mga GM.

" Okay back to the topic. " Sabi ko tapos kinuwento sa kanila yung sinabi ni Jetro sa akin nung lasing siya.

" Wow!! Sige anung sunod?? " Tanong ni Tin.

" Ganito kasi yun. After siya mawalan ng malay... "

* Flashback *

Nakakainis yung mga kasama niya. Bakit hindi niya kasama!? Wait may sense ba yun? Kasama niya pero hindi niya kasama? Hahahahaha nababaliw ako. Kelan pa-

Okay kinakausap ko na sarili ko. Buhat ko ngayon si Jetro. Pasalamat siya at malakas ako. Nakaya ko siya. Pinagtitignan lang nga kami ng mga tao.

Binuksan ko ang pinto ng room nila. Buti nga bukas. Pero hindi naman sila marunong maglock. Hay nako!

Nilagay ko na siya sa kama. Kinuha niya naman ang unan tapos niyakap. Kumuha ako ng isang planggana para doon siya magsuka.

" Uyy gising! Kailangan mo pa magpalit! " Sabi ko. Pero siya ayun. Tulog! Ayaw gumising. Ilang beses ko inulit pero hindi pa rin gumigising. ARGHH!! NO CHOICE!

Kumuha ako ng basang towel tapos naghanap ng pwede niyang suotin. Hindi ko nga alam kung saan ba damit niya. Pabayaan na lang!

Pinunasan ko na siya tapos hinubaran ang pang-itaas. Shems. May abs. 1,2,3,4,5,6. Woooh! 6 packs! Arghh! Ano ba yang pinag-iisip mo Fae!?

Agad ko siyang pinunasan tapos nilagyan ng damit.

This is the worst part. Ang pang-ibaba. Unti-unti ko ibaba. Pero nagbago isip ko. Huwag na lang! Okay na siya ng ganyan! Kahit hindi ko na lang palitan ang pang-ibaba. Yuck!!!

Habang binabalik ko yung damit na pang-ibaba. Biglang nagsalita si Jetro.

" Fae sorry... Mahal talaga kita... Sorry Fae... " Sabi niya. Ako naman si baliw, ngumiti bigla. Gusto ko sana tumalon pero hindi ko na itunuloy. Act normal! Umupo naman ako sa kama niya tapos hinimas-himas ang buhok niya.

Crush at First Sight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon