Tin's POV
*boogsh*
Nagising ako sa ingay mula sa ibaba. Bumangon ako at tinignan ang orasan. 5:30 pa lang. Bumaba ako tapos nakita ko si manang winawalis yung mga bubog. Agad ko siyang nilapitan.
" Manang anong nangyari!? " Tanong ko
" Ay gising ka na pala! Sorry Tin! Kasi natapilok ako hawak-hawak ko pa naman ang baso. Buti na lang hindi ako nagkasugat. " Sabi ni manang.
" Nako manang ako na gagawa niyan. Pwede mo po ba ako lutuan na maaga ako papasok eh. " Sabi ko kay manang.
" Sige Tin. " Sabi niya tapos binigay niya ang walis sa akin. Pagkatapos ko magwalis naghintay ako ng ilang minuto tapos, tapos na magluto si manang.
Habang kumakain ako si manang umupo sa harapan ko.
" Bakit ang aga mo papasok? " Tanong ni manang.
" Kasi po baka malate na ako. Ayoko maulit kahapon. Muntikan na kasi po ako malate. " Pagpapaliwanag ko. Bigla akong tinignan ni manang ng maigi.
" Bakit po manang? " Tanong ko.
" Ano ang iniisip mo hija? Napansin ko kasi malalim ang iniisip mo. " Sabi niya. Nahalata niya tungkol kay Keith!? Omonom marunong magbasa ng utak si manang.
'" Hindi ako marunong magbasa ng utak hija. " Sabi niya. Okay mas lalo akong natatakot. Lola Auring is that you? Okay O.A ko na masyado.
" Hindi rin ako si Lola Auring anak. Halata lang kasi sa mukha mo. " Sabi ni manang. Napatigil ako sa pag kain. Sasabihin ko na lang.
" Manang tungkol kasi yun sa love. Alam mo naman po dumadalaga na ako. " Sabi ko tapos muling kumain.
" Ahh ganun ba? Nako hindi na kita tatanungin pero kung may away man yan. Patawarin mo na siya. " Sabi ni manang tapos umalis. Patawarin? Nevahh!!
Pagkatapos ko kumain. Naligo na ako agad tapos nagpaalam kay manang na aalis na ako. Sina mama at papa nasa trabaho na.
Dumiretso na ako sa school. 6:05 pa lang. Ang aga ko. Pagkapunta ko sa classroom may nakita akong bag. Mukhang may maaga pa sa akin. Pero ang pinagtataka kung bakit yung bag nasa upuan ni Keith. Weird. Dapat kasama niya girlfriend niya. Baka may bagong student na absent kahapon kaya hindi niya alam kung saan uupo. Oo baka yun, yun! Baka nawawala siya. Nako kailangan ko siya hanapin!
Lumabas ako tapos inikot ang school. Wala naman siya. Baka si Keith nga yun. Gusto ko lumabas kaya pumunta muna ako sa field. Umupo ako tapos pumikit. Kahit hindi fresh air, nakakarelax ako. Maya-maya natamaan ako ng bola. Dumilat ako si Keith.
" Sorry Tin! " Sabi ni Keith. Agad ako tumayo biglang may humawak sa braso ko. Pagkalingon ko si Keith.
" Anong kailangan mo!? " I asked with an annoyed voice.
" Galit ka ba? " Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Galit!? Ako!? Oo! Sa girlfriend mo! " Galit kong sabi. Galit rin ako sa kanya kaso hindi ko masabi.
" Sa akin? Galit ka? " Kalma niyang tanong.
" ... " Wala akong masagot. Tinignan ko siya ng diretsuhan. Ilang minuto ang nakalipas. Napag-isipan ko na sabihin.
" O-oo galit ako sayo. " Sabi ko.
" Ga-galit ako sayo dahil sayo binubully ako. " Sabi ko na galit ang boses.
'' H-huh? '' Tanong niya. Mukha siyang naguguluhan.
'' D-dahil sa akin? Paano? '' Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33188710-288-k752805.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush at First Sight [EDITING]
Chick-LitNag simula ang lahat dahil sa "crush at first sight" ni Tin. May iba't ibang klase tayong mga kaibigan. Andyan si kuripot kung saan sobrang tipid at umasa sa libre. Andyan din si Mayora o financier kung saan siya palagi ang nanlilibre. Meron din tay...