Chapter 55

3.7K 116 25
                                    

Naalimpungatan na lamang ako dahil sa tumama sa 'king mukha ang sinag ng araw. I open my eyes at tsaka ko nakita na nakabukas pala ang kurtina dito at kitang-kita ko na ang balcony mula dito sa pwesto ko. Umikot ako at hindi ko nakita si Demsol na nasa tabi ko pa rin.

Mabilis akong napabangon at napangiwi na lamang ako at napahiga ng maramdaman kong sumakit ang private part ko. Ganon ba talaga ang feeling pagnakawala na sa'yo ang virginity mo. I looking at my blood stain here in bed. It's mean that I'm not a virgin anymore and Demsol took it.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad sa 'kin si Demsol na nakasuot ng t-shirt and his boxer ofcourse. May dala-dala siyang pagkain ngayon mas nauna pala siyang nagising sa 'kin. Ibinaba niya ang hawak niyang tray sa harapan ko at umupo siya sa tabi ko.

"Good morning," he said and he kiss me in my lips.

I smiled. "Good morning."

"How's your sleep?"

"Okay naman. Ikaw?" Pinagmasdan ko ang mukha niya at mukhang inaantok pa siya. "Nakatulog ka ba ng maayos?" I asked him.

"I think no," he said, kaya napakunot noo ako dahil sa sagot niya. Hindi siya nakatulog? Bakit naman? "I just watching you sleeping, baby."

I smiled at him and kiss his lips. Nagpaalam na muna akong maliligo na bago kami kumain. I feel hurt 'down there' pero tiniis ko lang and I clean my whole body at natapos na rin ako nag-suot na lang muna ako ng dress dahil may balak akong puntahan ngayong araw.

"Bihis na bihis ka ngayon. May pupuntahan ka?" he asked me.

Umupo naman ako para makakain na ako ng agahan ngayong araw. "May balak lang akong puntahan ngayon." I said to her.

"Where?"

"Mall," maikli kong sagot.

"Okay. Sasama ako sa'yo," he said at nagsimula na siyang kumain.

"Huwag na. Diba may meeting ka ngayong araw?" Naalala ko kasi na may meeting siya ngayong araw, kahit na wag na siyang sumama kaya ko naman ang sarili ko. "Kaya ko naman pumunta sa mall." I just smiled to him.

He didn't answer me, kaya nagsimula na rin akong kumain upang makaalis na rin at makapunta na sa pupuntahan ko ngayong araw. Nalibot na rin naman naming dalawa ang gusto kong puntahan dito sa cebu at sinulit pa namin 'yon hanggat walang umaabala sa aming dalawa.

Ang saya pala sa feeling na kasama mo yung taong mahal mo na pumunta sa mga gusto mong lugar. Ganon pala ang feeling na mga napapanood ko sa TV, buti na lang talaga at naramdaman ko rin ang saya na nararamdaman ng mga main character na in a relationship sa isa't-isa.

"Are you sure? Hindi na ako sasama?" he asked me.

Kanina pa siya nagtatanong sa 'kin kung bakit ayaw ko raw siya isama sa mall, pwede naman niya ipacancel yung meeting ngayong araw makasama lang siya sa 'kin pero hindi talaga pwede kahit anong pilit niya. Ngayon naghihintay na lang ako ng taxi na pwedeng sakyan habang si Demsol nasa tabi ko pa rin at wala siyang balak na umalis na.

"Oo nga, kaya sige na at umalis kana baka malate ka pa," pagpupumilit ko pa sa kaniya at tinutulak ko na siya papunta sa kotse niya.

"Hihintayin na muna kita na makasakay ng taxi before ako umalis," he said pero hindi ako pumayag sa gusto niya.

"Umalis kana. Kaya ko ang sarili ko, kaya wala kang dapat ipangamba." Ngumiti pa ako para maniwala siya sa 'kin.

Ilang oras niya pa ako tinignan before he kissed my forehead at sumakay na sa kotse niya upang pumunta sa meeting niya ngayong araw. Kumaway lang ako na nakangiti habang tinatanaw ang kotse niya. Nawala na ang ngiti sa labi ko ng hindi ko na makita ang sasakyan niya at may humintong taxi sa harapan ko, kaya doon ako sumakay.

Ceo Series #1 : How To Win Ceo's Heart (Completed)Where stories live. Discover now