"Putangina! Stephanie! Sugurin mo na si Demsol at bigyan mo ng sampal para magising, kingina. Gigil ako ng lalaking 'yan." Ramdam mo ang galit sa tono ng boses ni Clarice.
"Baka naman magising 'yang anak mo dyan, kakasigaw mo," sabi sa kaniya ni Stephanie.
"Mahina pa nga 'yon 'te. Chill ka lang, Teph," tugon pa ni Clarice.
"So? Papaano Margaux? Anong gagawin mo?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Irish.
"Hindi ko alam."
Nakatingin lang ako sa baso at may laman itong tubig. Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon. Nihindi ko nga magawang tanggapin sa sarili ko ang lahat na narinig ko mula kay Demsol. Wala. Wala talaga akong maisip kung anong gagawin ko.
"Mas maganda kung ikaw na ang makipaghiwalay, Margaux." Rinig kong sabi ni Clarice.
"Mag-usap muna kayong dalawa bago mo 'yon gawin," sabi naman ni Stephanie.
"Dapat pala hindi na ako nagsinungaling sa 'yo, Margaux." Biglang sabi ni Irish na nakaupo sa gilid. "Sana pala hindi ko sinabi sa 'yo na pinapatawag ka ni Demsol, 'di sana ikaw nasasaktan ngayon."
"Ano ka ba?! Maganda nga na sinabi mo 'yon, Irish. Edi nalaman ni Margaux na naakit pala yung jowa ni Margaux sa babaeng maputi na 'yon." Si Stephanie.
"Ang totoo niyan. Ex ni Demsol si Astrea."
Napalingon kaming dalawa ni Stephanie dahil sa sinabi ni Irish. Ex? Sinabi ba niya na ex ni Demsol si Astrea?
"Anong sinasabi mo, Irish?" Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya.
"May alam ka na Irish? At hindi mo sa amin sinasabi?" Tanong naman sa kaniya ni Stephanie.
"Naalala mo yung tinanong kita kung mahal na mahal ka talaga ni Demsol?"
Napatingin ako sa ibaba at inalala ang kanyang tinanong sa 'kin. Bumalik sa akin ang eksena na nasa states pa kaming dalawa ni Irish at nong time na 'yon ay nag-aaway kaming dalawa ni Demsol, biglaan niya rin ako tinanong tungkol kung mahal na mahal ba talaga ako ni Demsol. Alam ko na may kakaiba doon sa tanong ni Irish.
"Anong meron doon?" Nakaramdam ako ng kaba ngayong gabi.
Para bang ayokong marinig ang isasagot ni Irish sa tanong ko, para bang mas gusto ko na wag niya na lamang sabihin sa 'kin at gusto ko rin na maging bingi ngayong gabi.
"Bago ka pa man na pumunta sa states mas nauna pa sa'yo si Astrea doon. Nakiusap ako kay Jester na maglilibot muna ako, hindi ko naman inaasahan na makita ko silang dalawa."
"Sinong dalawa?" My heart beating fast now.
"Si Demsol at Astrea. Narinig ko na gustong balikan ni Astrea si Demsol at yung tungkol sa kasal na narinig mo." Sabi ni Irish. "Matagal ng balak ni Demsol na makasalan si Astrea pero hindi lang natupad dahil tinanggihan ni Astrea si Demsol at mas pinili ang carrer niya, hanggang doon na lang narinig ko." Pagtigil ni Irish sa pagkwento sa amin.
"Ano?!"
Napabaling ako sa ibang direction dahil sa narinig ko mula kay Irish. Matagal na pala kung ganoon pero bakit walang sinasabi si Demsol sa 'kin, tungkol kay Astrea? Bakit hindi ko nalaman na may girlfriend pala si Demsol bago ako? Napasinghap na lang ako at pinunasan ko ang luha ko na dumampi sa pisngi ko.
"Hindi mo ba alam 'yon, Margaux?" Tanong sa 'kin ni Clarice.
Umiling ako. "Hindi, e. Wala nga akong kaalam-alam na hindi pala ako ang first girlfriend niya." Tumawa ako na parang baliw ngayon.
YOU ARE READING
Ceo Series #1 : How To Win Ceo's Heart (Completed)
RomanceDemsol La Costa is the one successful businessman in the world. He has a lot of hotels, casinos, and resorts. He owned a lot that but Demsol is not completed because he's still waiting for his long-time girlfriend. He still waiting so many years bef...