Chapter 30

4K 101 2
                                    

FIRST day na hindi ko makikita si Demsol mylabs ko dahil nasa states ito ngayon para sa anniversary ng company nila doon. Hindi na ako sumama dahil na rin may kailangan ako asikasuhin dito sa company nya.

"Miss mo na si Kuya Demsol noh ? "Rinig kong sabi ni Miles na hindi ko namalayan na katabi ko na pala

"Ano bang ginagawa mo dito ah ? Diba dapat nag-aaral ka para sa entrance exam sa collage na papasukin mo "I said to her, hindi yung kung anong - anong ginagawa nya.

"Kanina ka pa kasi nakatulala Ate Marguax, kaya kinausap kita baka kasi mabaliw kana jan "

Naningkit naman ang mata kong tumingin sa kanya at ngumiti pa lang sa akin si Miles at umalis na sa tabi ko para bumalik na ginagawa nya.

Isang araw pa lang pero miss ko na agad sya, hindi pa sya tumatawag sa akin simula ng ihatid ko sya sa airport o di kaya walang signal sa pupuntahan nila.

Pero hindi eh, alam ko na malakas ang signal doon, iniling - ilimg ko ang ulo ko at nagfocus na ako sa ginagawa ko. Alam ko naman na tatawag rin sya sa akin baka mamaya o di kaya bukas, basta hihintayin ko syang tumawag.

Nandito lang ako sa apartment at sila Stephanie nasa company sila ngayon dahil nga may pasok sila at ako naman wala. Kaya ngayon kasama ko ang napakabait na kapatid ko na ang sarap na sapakin.

*Ring * Ring *

Nabitawan ko agad ang hawak kong ballpen at chaka ko kinuha ang cellphone ko. Halos mapunit na labi ko sa ngiti na ginawa ko ng malaman ko kung sino ang tumawag sa akin ngayon.

"Bakit ngayon ka lang tumawag ? "

"My baby is mad at me now "

Paano ko magagawang magalit sayo, kung boses mo pa lang parang nilalambing na ako agad. Edi imbes na magalit ako sayo nagiging masaya pa ako tuwing naririnig ko ang boses mo.

"Nanjan kana ba sa states ? "

"Yeah. We're here in states baby and i'm sorry if i didn't call you. I have things to do early "

"It's okay, alam ko naman yon na kailangan nyong mag-handa jan para sa gaganaping anniversary ng Company nyo "

"Yeah. I wish you come with me here in states "

Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi nya sa akin, same tayo ng gusto Demsol kaso ayaw talaga ni tadhana na magkasama tayong dalawa jan.

"Miss mo lang agad ako, kaya ka ganyan "

Pangbibiro ko pa kay Demsol at narinig ko na mahina syang natawa, rinig ko sa background na maingay at mukhang naghahanda talaga sila ngayon

"I miss you baby "

"Demsol bro ! Tara na dito !

"I miss you too Demsol mylabs at mukhang tinatawag kana "

Narinig ko kasi ang boses ni Lorcan na tinawag nya ang pangalan ni Demsol mylabs, panira talaga ng momment si Lorcan manyak

"Ibaba mo na mamaya na lang tayo mag-usap ulit, pagwala ka ng ginagawa "

"Okay baby. I'll call you later, bye. I love you "

"I love you too Demsol mylabs. Bye "

Narinig ko naman na naputol na ang tawagan naming dalawa, kahit papaano narinig ko ang boses nya at okay na ako doon pero hindi ko pa rin ramdam ang sigla ko ngayon.

Wala akong pasok ngayon kaya nandito lang ako sa apartment at gumagawa ng mga naiwan ni Vianco sa Company

Speaking of Vianco.

Ceo Series #1 : How To Win Ceo's Heart (Completed)Where stories live. Discover now