Chapter 46

3.9K 99 8
                                    

New year. New life sabi nga ng iba. Panibagong pagsubok ang papasok sa buhay natin lahat na dapat nating malagpasan lahat.

"Ang malaki pala ng bahay ni Demsol, partida siya lang ang nakatira dito." Nangungusisa ni Irish habang nililibot nila ang kabuuan ng bahay ni Demsol

Nakangiti lang ako habang tinitignan ang mga kaibigan ko na pinagmamasdan maigi ang kabuuan ng bahay ni Demsol. Nagulat na lang ako pagkababa ko dito sa sala, bumungad na agad si Irish, Stephanie at Clarice. Tinanong ko sila kung bakit sila nandito at sinagot lang nila pinapunta sila ni Demsol dito sa bahay.

"Buhay reyna ka na talaga, Margaux," sabi pa ni Stephanie at nakatingin siya sa akin ngayon.

"Anong buhay reyna ang sinasabi mo. Syempre hindi!" Pagtangi ko sa sinabi ni Stephanie.

Naramdaman ko naman na may humawak sa bewang ko kaya napalingon ako at si Demsol pala.

"Margaux still my queen after all, and before she moved in my house." ngumiti pa sa'kin si Demsol, pagkatapos niyang sabihin yon.

Narinig ko na lang na napahagikhik silang tatlo ngayon. I smiled back to Demsol at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkapulupot niya sa bewang ko.

"Nagpaluto pala ako ng makakain niyo kanila Rhea. Let's go at ng makakain na kayo," aya pa ni Demsol sa mga kaibigan ko.

"Tama! Kanina pa ako nagugutom, buti na lang at sinabi mo yan, Demsol." At nauna pa si Stephanie na pumunta sa dining area ng bahay ni Demsol.

Naglakad na rin kami papunta sa dining area para makakain na kaming lahat. Umupo na kami lima nila Stephanie, umupo ako sa tabi ni Demsol at nilabas na nila Rhea yung mga pagkain.

"Nakakain na ba si Miles?" I asked Demsol, dahil hindi ko naabutan si Miles na kasama nila.

"She didn't pero ang sabi ni Miles kakain na lang siya sa bahay ng kaklase niya," sagot ni Demsol at tumango-tango naman ako.

"Edi kayo na ang sweet. Sana all na lang talaga tayong tatlo," sabi pa ni Stephanie na hindi naman pinagsang-ayunan ni Irish.

"Tigilan mo kami, Stephanie. Kakasabi mo lang non na may boyfriend kana na hindi namin kilala, kaya wag kang mag-sana all jan. Hindi bagay sayo," sabi sa kaniya ni Irish.

Tama! Hindi pa rin namin kilala ang pinagmamalaki ni Stephanie na boyfriend niya. Magtatapos na mamaya ang taon hindi pa namin kilala ang lalaking pinagmamalaki ni Stephanie sa amin.

Inakbayan naman ni Stephanie si Irish. "Wag kang mag-alala Irish, makikilala niyo rin siya." Paninigurado ni Stephanie sa harapan namin.

"Bakit kasi hindi mo pa ipakilala sa amin?" Tanong pa ni Clarice kay Stephanie.

"Wag kayong atat! Makikilala niyo rin siya." sabi pa ni Stephanie, habang tuloy lang kami kumakain ngayon.

Natatawa na lang ako sa kanilang Irish na hindi tinitigilan si Stephanie kung ang itsura raw ng boyfriend ni Stephanie at ng malait nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Demsol na bigla na lang hinawakan ang kamay ko, kaya napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"Bakit?" I asked him.

"I just say thank you," he said, at sa harap pa talaga ng mga kaibigan ko siya nagsabi non.

"Thank you for what?"

"Thank you for coming to mylife, baby."

I smiled, kahit na ilang beses ko ng narinig yon mula sa kanya at hindi ito nakakasawa na marinig yon mula kay Demsol. I said thank you for him too, habang sinasalubong namin ang New years nong isang araw. We shared our moments together while looking up in the heaven.

Ceo Series #1 : How To Win Ceo's Heart (Completed)Where stories live. Discover now