Nasa bakasyon ako ngayon dito sa bahay ng aking lola. Kami lamang ang magkasama.
Ang ginagamit kong kwarto ay ang kwarto ng aking ama noong bata pa siya. Ito ay may isang bintana kung saan makikita mo ang isang bahay sa kabilang kalsada. Kakaiba ang bahay na iyon. Tuwing gabi ay nakikita kong bukas ang ilaw noon at may babaeng nakadungaw sa bintana niyon.
Natapos ang aking bakasyon sa bahay ni lola ng hindi man lamang naitatanong sa kanya kung ano sino ang matandang babae sa kabilang bahay.
Dumating si tatay uoang sunduin ako. Agad akong nagpaalam kay lola at sumakay sa kotse ni tatay. Habang umaandar ang kotse ay hindi ko napigilan na tanungin si tatay.
"Tay, sino ba yung nakatira dun sa bahay na makikita dun sa bintana ng dati mong kwarto?" tanong ko.
"bahay? anong bahay?" nagtatakang tanong niya.
"Yung bahay sa kabilang kalasada? Hindi mo ba nakita yun?"
Biglang nanahimik si tatay at tila namutla.
"Tay bakit po?"
"Anak walang bahay doon. Abandonadong lote yun mula pa noon hanggang sa ngayon."
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Horrormasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..