"Hoy!" sigaw ng isang tinig mula sa kawalan.
Sino kaya iyon? Sa pagkakaalam ko'y ako lamang mag-isa ngayon sa bahay. Kanina pa ako nagbabasa ng libro dito sa aking kwarto. Siniguro ko naman na nakasara lahat ng pinto at bintana bago ako umakyat dito.
"Hoy!" muling sabi ng nakakakilabot na tinig. Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi na ito maganda. Madilim pa man din ngayon at alas tres na ng umaga.
"Hoy!" muling pagtawag ng tinig. Ngunit ngayo'y mas malakas na ito. Tanda na ito ay nasa malapit lamang. Lalo akong kinilabutan.
Maya-maya pa'y narinig ko ang mga yabag ng paa na patungo sa pintuan ng aking kwarto. Agad akong tumakbo papunta sa malaking aparador ko. May espasyo doon na kasya ako upang makapagtago.
"Hoy!" sigaw muli ng tinig na nakakapanindig-balahibo. Kasabay noon ay ang malakas na tunog na gawa ng paggalaw ng doorknob ng pintuan ng aking kwarto. Agad kong isinara ang pintuan ng malaking aparador kung nasaan ako ngayon. Nagpapawis ako ng malamig. Nakiramdam ako..
Ilang sandali pa ay tumahimik ang kapaligiran..
Wala na ang tinig..
Wala na rin ang pagtunog na gawa ng doorknob ng aking pinto.
Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa..
Ang inaalala ko na lamang ngayon ay ang kadilimang bumabalot sa loob ng aparador.
"Hoy!" sabi ng isang tinig sa aking gawing kanan sa loob ng aparador..
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Horrormasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..