Hindi ako naniniwala kay Santa

2.8K 53 1
                                    

Kahit noon pa man, alam ko n hindi totoo di Santa.

Gawa -gawa lang sila ng mga magulang upang maitago ang pagbibigay nila ng regalo sa kanilang mga anak.

Gayunpaman, tuwing pasko dati ay nakatatanggap ako ng dalawang regalo pagkagising ko. Ang una ay galing sa mga magulang ko at ang isa pa na nakabalot ng gintong kulay ay galing raw kay Santa. Natatawa ako sa pinaggagagawa sa aking mga magulang.

Nagpatuloy ang regalo hanggang sa nagkolehiyo na ako at kinailangang umalis sa aming bahay upang magdorm.

Ngayon ay pasko na naman. Araw na bibisita ako kina mama at papa. Pero nakaramdam agad ako ng takot ng makita kong madaming nakapalibot na pulis sa labas ng aming bahay. nagpaalam ako na tingnan ang loob ng amin at bahay. Laking gulat ko.

Isang sahig na puno ng dugong nagkalat ang aking nakita. At sa pader naman namin ay may mga letrang isinulat sa dugo na ang sabi, "NASAAN SIYA?!

Noon hindi ako naniniwala kay Santa. Pero ngayon naniniwala na ko na totoo ang mga halimaw...

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon