Bangungot

3K 52 1
                                    

Heto na naman, ang masasamang panaginip na ayokong balikan.

Sa bangungot na ito, 3:46 na ng madaling araw ng may lumabas na kung anong nakapangigilabot na nilalang mula sa aparador na nasa harap ko. Dumagan ito sa akin at pinakita ang matatalas nitong ngipin. Duguan ang mukha nito at may maiitim na mga mata. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Palapit na ng palapit sa aking mukha ang bibig nang halimaw na ito ng bigla kong maigalaw ang mga paa ko.

Nagising ako na malakas ang kabog ng dibdib at tagaktak ang malalamig na butil ng pawis sa katawan. Madilim pa rin sa kwarto ko. napatingin ako sa orasan. 3:45 pa lang ng umaga.

Biglang tumunog ang orasan.

Pumatak ang 3:46.

Narinig ko ang pagbukas ng aparador na nasa harap ko...

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan) 🎉
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon