Habang nasa isang public cr ako at nagbabawas ng aking kinain, ginambala ako ng isang tinig mula sa kabilang cubicle.
"Kuya," tawag ng isang tinig mula sa kabilang cubicle, "pahingi pong tissue."
Naabala man, kumuha ako ng ilang pilas ng tissue paper at iniabot sa siwang sa babang ng pader na naghihiwalay sa mga cubicle namin. Nakikita ko pa mula sa siwang ang paggalaw ng kanyang mga paa.
Ngunit ilang minuto pa akong nag-aantay sa kanya na kuhain ang tissue na hinihingi nya ay hindi nya pa rin ito kinukuha.
"Kuya, nasaan na po yung tissue?" muli siyang nagsalita.
"Hindi ba't iniaabot ko na sayo, bakit hindi mo pa kunin dito sa may siwang sa baba?" iritadong sagot ko.
"Wala naman kasi ako jan," sagot niya.
"Ha? Eh nasaan ka ba?" nagtatakang tanong ko.
"Tingin ka sa taas," sabi niya.
Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong nakadungaw ang isang bata sa itaas na bahagi ng pader na naghihiwalay sa mga cubicle namin habang nakangiti at ang kanyang mga paa ay naiwang gumagalaw sa sahig ng cr.
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Kinh dịmasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..