Ang Baby Monitor

3.9K 70 4
                                    

Mula rito sa sala, nakikita ko at napagmamasdan ang aking anak na isang taong gulang na hinehele ng aking asawa sa kwarto dahil sa baby monitor na aking inilagay.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya na mahimbing na natutulog sa kamay ng kanyang ina.

Muli na sana akong sisipsip sa tasa ng kape na aking iniinom ng biglang bumukas ang pinto ng bahay namin.

Nawala ang ngiti sa aking mukha..

"Kamusta si baby?" sabi ng aking asawa habang tangan nya ang dalawang grocery bag sa kanyang mga kamay at nakangiting naglalakad papunta sa akin..

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon