Torture

2.9K 60 1
                                    

"Anong pangalan mo?!" malakas na tanong niya sa akin.

Shrek ang sagot ko sa kanya.

"Anong akala mo nakikipagbiruan ako sayo?" sabi niya sa akin sabay sampal ng malakas. Napangisi na lamang ako. Sinanay ako sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ako mapapaamin sa ganito lamang.

Ganyan talaga sila, mamimilit na tanungin ako. Pero hindi, hindi ako aamin at wala akong sasabihin. Gagawin ko ang lahat para manatili rito.

"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo?!" mas malakas na sabi niya at winisikan ako ng kakaibang tubig na iyon. Nasunog ang balat ko. Punyeta!! Mahapdi ang isang iyon.

Kaya naman pinalutang ko ang katawan ng batang ito. Hindi ako aalis sa katawang ito kahit anong mangyari. Mas malakas ako sa paring iyan.

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon