Kayamanan

2.4K 59 6
                                    

"Dahil ikaw ang bago kong bestfriend, may ipapakita ako sayo. Pero secret lang natin ito ha?" sabi ni Jack habang paakyat kami sa lumang bodega nila.

"Sige," ang tangi ko na lamang tugon.

Nang naroon na kami, may kung anong hinila si Jack sa isang sulok ng bodega nila. Nagulat ako na isa pala itong malaking baul.

"Eto," sabi niya sabay pagpag ng ilang alikabok sa ibabaw ng baul, "ang tawag ko dito treasure box. Dito ko tinatago lahat ng kayamanan ko."

"Pwede ko bang makita yung laman?" ang manghang tanong ko.

"Oo naman syempre pwede," masaya nyang tugon.

Agad akong pumunta sa harapan ng baul at dali-dali itong binuksan. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"A-ano t-to?" nanginginig kong tanong.

"Sabi ko sayo diba jan ko nilalagay lahat ng kayamanan ko. At kayamanan ko ang mga kaibigan ko. Lalo na yung mga bestfriend ko," sabi niya sabay ngiti nang napakaluwang.

Pumailanlang sa hangin ang mabahong amoy ng mga nabubulok na katawan..

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon