Blue

2.3K 46 3
                                    

Laging naririnig ni Alex ang mga pagtawa ng isang babae mula sa katabing apartment na kanyang tinitirahan.

Pader lamang ang humahati sa apartment nya at sa kabilang apartment kaya namn madali nyang marinig ang mg pagtawa mula sa kabila. Mayroon maliit na butas sa pader, ngunit sa tuwing sumisilip siya doon, ang tangi niya lang nakikita ay kulay blue.

Isang araw hindi na niya kinaya pa ang ingay ng kabilang apartment kaya naman lumabas sya at dali daling tinungo ang guard na nagbabantay sa mga apartment at nagtanong siya ng, "kuya, bakit po ang ingay sa apartment na katabi nung sa akin? May tawa ng tawa. Sino bang nakatira doon?"

"Ha? Yung apartment katabi mo? Wala. Walang nakatira doon. Pero sabi nila may namatay daw na babae doon. At kilalang kilala siya dahil sa kulay blue nyang mata," ang sagot ng guard na ikinabigla niya..

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon