Alas tres ng gabi, bigla akong nagising.
Naramdaman ko ang pagyakap ng aking asawa mula sa likuran ko. Lagi niyang ginagawa iyon sa tuwing galing sya sa trabaho at tatabi na sa akin.
Muli ko na sanang ipipikit ang aking mga mata ng biglang tumunog ang aking telepono. May tumatawag.
"Hello?" sagot ko na hindi man lamang tinitignan sa phone kung sino ito.
"Ahhh honey, si Steve to. Gusto ko lang malaman mo na di ako makakauwi ngayon. May tatapusin kami dito sa trabaho kaya baka mamayang umaga na ako makarating. Mag ingat ka jan ha. Alagan mo ang sarili mo. I love you. Bye. " at naputol na ang tawag.
Ramdam ko pa rin ang yakap mula sa likuran ko. Kinilabutan ako..
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Horrormasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..