Mag-isa lamang ako sa kwarto ko at sinusuklay ang aking buhok.
Walang tao ngayon dahil umalis sina mama at papa. Iniwan akong mag-isa. Bukas pa ang balik nila.
Habang inaayos ko ang aking buhok ay naaninagan ko mula sa salamin ang pigura ng isang lalaking may suot na itim na kapote. Maputla ang kulay ng kanyang balat at direktang nakatingin sa akin habang nakangisi.
Hindi ko malaman ang aking gagawin. Napapikit na lamang ako at umusal ng ibat ibang dasal na aking naaalala. Ngunit wala pa man din ako sa kalahati ng aking dasal ay naulinigan ko na tila may sinasabi ang lalaki sa aking likuran. Dumilat ako at lalo akong kinilabutan ng mapagtanto kong sumasabay siya sa ginagawa kong pagdarasal.
Nangilabot ako at hindi ko na nagawang ituloy ang aking dasal ngunit ang lalaki ay patuloy pa rin sa kanyang dasal.
Matapos sabihin ang dasal ay inilapit nya sa aking tenga ang kanyang labi at ang sabi, "akala mo ba ikaw lang ang marunong magdasal?"
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Horrormasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..