labing-isa

2.3K 48 12
                                    

"Sampu! Sampu! Sampu!" yan ang sigaw na lagi kong naririnig sa likod ng bakod na nadadaanan ko tuwing nagjojogging ako.

Sa pagkakaalam ko, mental hospital ang nasa likod ng mataas na bakod na iyon. Labis akong nagtataka kung bakit sumisigaw ng sampu ang ang mga baliw doon. May butas sa bakod ngunit natatakot akong sumilip. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko.

Ngunit isang araw, hindi ko na napigilan. Nais ko talagang malaman kung bakit sila sumisigaw ng sampu. Kaya naman lumapit ako sa bakod at sumilip doon. Bigla na lang may tumusok sa mata ko. Napakasakit. Nagdurugo na ang mata ko. Bigla ay narinig ko na nag-iba ang sigaw ng mga baliw.

"Labing-isa! Labing-isa! Labing-isa!" ang sigaw nila..

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon