Si Manuel

3.6K 61 18
                                    

Ako si Manuel

Isa akong mamamatay tao.

Bawat taon, lumilibot ako sa buong mundo upang pumatay ng limang tao. Ginagawa ko ito dahil nais kong maging kakaiba ang iiwan kong alaala sa bawat lugar na aking pinupuntahan.

Ang unang taong nais kong patayin ay isang relihiyoso. Nais ko kasing mawala na sila upang hindi na sila makagawa pa ng kasalanan.

Sunod naman ay mag-asawa, mga magulang. Nais kong makita sila na matupad nila ang kanilang pangako sa kanilang kasal na magsasama sila hanggang sa kamatayan.

Tapos ay isang bata. Nakakatuwa silang masaksihang sumisigaw at humihingi ng tulong gamit ang kanilang munting tinig. Sadyang nakakaliw.

At ang pinakahuli ay ang pinakakinaiinisan ko sa lahat. Sila ang mga taong sadyang nakikialam sa buhay ng may buhay. Mga taong nakikialam sa aking ginagawa. Mga taong nakakaalam ng aking kwento.

Tutal tapos na ako sa unang apat.. Abangan mo na lamang ang aking pagkatok mamaya sa pintuan ng iyong kwarto..

Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon