Ang tahimik ng bahay..
Linggo ngayon .. Walang pasok sina mama at papa. Sakto lang pala dahil makakapag-bonding kami ngayong araw na ito. Ngunit nakapagtataka talaga.. Kadalasan kasi masaya silang nagkukulitan dito sa sala kapag walang pasok. May sakit pa rin kaya sila kaya hanggang ngyon tulog pa sila?
Umakyat ako sa kanilang kwarto at agad na binuksan ang pinto niyon. Malamig sa loob. Nakita ko ang sopas na iniwan ko sa kanila para sa almusal na malamig na. Hindi na naman nila nakain.
Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kanila at tumambad sa akin ang mga nakanganga at tulala nilang itsura. Napakalamig pa rin ng kanilang katawan na tila mga bangkay. Hindi rin sila gumagalaw.
Nag-aalala na ako. Tumatagal na sila sa ganyang kalagayan matapos kaming pasukin ng mga magnanakaw noong isang linggo habang nasa eskwelahan ako.
Pero kinalimutan ko na iyon. Bilang isang mag-aaral ng sikolohiya dapat ko silang intindihin. Nga pala, kanina nag-aral na naman kami ng isang kakaibang sakit sa pag-iisip na tinatawag na Denial. Ito ang mga taong hindi matanggap sa kanilang sarili ang katotohanan at patuloy na namumuhay gaya sa kanilang paniniwala. Halimbawa yung may namatay silang kamag-anak pero hindi nila matanggap kaya patuloy nilang pinaniniwala ang kanilang sarili na buhay pa ito. Hindi ko maisip na mamuhay ng ganoon.
BINABASA MO ANG
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan)
Horrormasarap matulog pero kung matapang ka.. naiinip.. at walang magawa... basahin mo ito.. at baka.. hindi mo na gustuhing.. matulog pa ulit..