Chapter 20

32 6 7
                                    

20: Say Yes 
"I am supposed to be
running away from him,
But why do I always
find myself coming back?"


It was already past my usual morning clock when I woke up from Daela’s bed. The room was a total mess. The rays of the sun are as hot as noon, passing through the window blinds. 

Matapos ko siyang alalayan paakyat sa kuwarto niya kagabi, pareho kaming bumagsak sa kama niya. Hindi naman kami sobrang nalasing dahil iisang bote lang ‘yong inubos namin. Pero siguro dahil sa lamig ng panahon, puyat at kabusugan ay ‘di na namin napigilan ang antok. 

“Bhie, may naaalala ka bang ginawa mo kagabi?” I gently asked her over a cup of coffee in their kitchen table. Nagising na rin kasi siya ilang minuto ang lumipas nang maramdaman niyang wala na ako sa kama. Akala nga niya umalis na ako, eh. 

Ano ‘yon, one-night stand? 

“Ha?” Napaangat siya ng kilay tapos inilayo ang tasa ng kape sa bibig niya. Tinimpla niya ‘yon about 30 minutes ago. Iniwan niya nga lang ito sa mesa kasi alam kong papalamigin niya muna ito bago inumin.

Typical Daela who dislikes hot coffee but prefers hot men. 

I touched her cup using the back of my hand and raised it towards her cheeks. “See?” I said to prove my point. Hindi naman nakakapaso. So, bakit gano’n siya maka-react?

“Bhie, bawal magulat? Bawal ma-surprise nang bongga? Kurutin kita diyan, eh,” sarkastiko niyang sabi sabay akmang dudukutin ang perlas ko. “Pero in fairness, wala akong maalala,” dagdag niya sabay tawa nang malakas. Binato pa siya ng mama niya ng tsinelas dahil nakakairita raw ang tawa niya. 

“Si Mama talaga, number one hater ko. Feeling ko talaga ampon ako, tapos ikaw talaga tunay na anak,” pagbibiro niya pa. 

“Awit sa’yo, bhie.” Mabuti na lang, ‘di narinig ng mama niya na busy na sa pakikipagtsismisan sa labas.

Habang nagkakape, nagkasundo na lang bigla ang mga inner thoughts namin na huwag nang palalimin pa ang usapan, ni alalahanin ang nangyari no’ng gabing ‘yon. Let bygones be bygones, ika nga. 

Isa pa, kinakabahan rin ako dahil baka narinig niya ang sinabi ko sa kaniya para sa’ming dalawa.

“Siya nga pala, nag-clubbing na ako sa Rockwell kasama sina Nella,” pagbabago ko na lang sa usapan. Time na rin siguro para malaman niya ang una kong experience sa party club.

Nanlaki ang mga mata ni Daela sa narinig at hinampas ako nang malakas sa balikat. Napangiwi ako sa sakit.

“Hoy! Garo man ini udo! Nuarin pa?! [Para naman ‘tong tae. Kailan pa?!]” excited niyang tanong saka ako niyugyog na parang ewan. 

"Ang daya mo, bhie! F.O. na agad, oh!" panghahamon niya pa sabay bawi.

I decided to stay with them for two days. Una, hindi nila ako pinapauwi. They are my legal guardians and they have all the rights to restrain me kahit na nasa legal age na ako. Maganda naman ang intensiyon nila, at iyon ay ang makasama ako nang mas matagal. Sino ba ako para tumanggi?

Pangalawa, na-miss ko rin silang makasama. And I think, this is me paying back for all the past years I declined their offer of celebrating Christmas with them, including other holidays I am actually free to join. 

“Balik ka, ‘nak, ah! Tumawag ka kapag may problema sa apartment mo, or sa school niyo. Alam ko namang kaya mo ‘yan kasi matalino kang bata."

December 27 in the morning, I am outside their house, few minutes before I go back to my city. Napangiti na lang ako sa labis nilang pag-aalala sa’kin. I really enjoyed having a short vacation with them. Nag-mall kami tapos gumala sa Tagaytay. Nakatanggap kasi si Tita ng travel package good for 4 persons mula sa company nila. Kaya ayon, feel na feel ko pa rin ang Pasko hanggang ngayon. 

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon