03: The Ghost In Wasteland
"To remain hidden and unseen,
one should act like a ghost."
They say, ghosting is for the strong-willed, for they are brave enough to leave without notice. But they are wrong.
Ghosting is for the fools; for the weak-hearted beings too good at goodbyes.
"Magkakilala kayo? OMG!" Kanina pa ako kinukulit ni Nella simula nang pumasok ako ng room namin. Pinipilit niya na kakilala ko ang isa sa mga lalaking nakasama namin sa blind date kahit na todo-iwas at todo-tanggi ako.
Hindi pa dumadating ang sunod naming prof kaya excited na excited siyang lumapit sa'kin para makipagkuwentuhan.
I shook my head. Her brows arched in disbelief.
"YOU. ARE. LYING. The truth, please . . . " Ngumuso siya pagkatapos ay umupo sa ibabaw ng mesa ko. Napaatras ako nang bahagya dahil sa gulat.
"Why did you immediately left last night? Because of you, umalis na rin si pogi," pagmamaktol niya pa na parang batang inagawan ng kendi.
She started ranting about their short-lived date last night. I tried covering my ears but it didn't help me at all. Sobrang lakas ng boses niya, nangingibabaw ang ingay sa buong klase.
"Pero ki Lucas myloves pa rin ako! Ang pogi ng panga, yumminess."
Ilang minuto ang lumipas, pumasok sa room si Pamela. Nella stood up and greeted her a good morning.
She's early again, for the second subject. Palagi na lang siyang ganiyan. Napapansin iyon ng lahat. Wala naman akong pakialam kasi parehas naman kaming pumapasok nang late, mas madalas nga lang siya.
She looked wasted . . . and tired?
"What are you looking at" She rolled her eyes before taking her seat, three chairs away from me. Agad akong tumalima at isinuklob ang ulo sa ilalim ng hood ng suot kong jacket.
Bakit ba naman kasi tumingin ako sa kaniya?
"Okay, fine! Hindi mo kilala si poging engineer in suit and tie," Nella said in a mocking way, shrugging her shoulders before pointing her finger towards me.
"Pero why naman 'Sir' ang tawag mo sa kaniya? Instructor lang ang peg?"
Natahimik ako bigla.
Narinig niya pa 'yon?
Bumungisngis siya dahil dito.
"Oh, I see. May something nga! Spill the beans!" excited niyang sabi.
I hate it.
I hate what happened last night.
I hate my foolishness for acting so careless.
But I couldn't get a grip of my hatred, my mind started looking back on what occurred yesterday.
"Joshel?"
"S-Sir?"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi pa man kami umiinom, nagha-hallucinate na ako. Nakikita ko siya sa harap ko na mariing nakatitig sa'kin, makalipas ang tatlong taon.
"Wow! May estudyante ka na pala, bro?! Lakas mo, ah!" pagtawa no'ng Lucas saka mahinang siniko ito sa tagiliran. Agad kong kinuha ang bag ko sa ilalim at pinantakip ito sa mukha ko. Nanginginig ako . . . bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga sunod niyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Ghosting Madness
Romance"She left her madness for good, yet the Madness she hated wants her presence once more." -- After settling in the city to start a new life, Joshel Buela began to face the consequences of her past actions. Meeting blank faces from strangers gradually...
